Sunday, August 21, 2005

My Precious!

I now have my own Mao Cap! Yahoooo!
A few days from now ill be claiming that darn green thingie that ive been searching for years now. And to add more angas to my Mao collection, a Little Red Book is included in the package! Yahooo times two!!!


'= '=

Friday, August 12, 2005

Hapi Bertdi to Me.

'=Nasanay na akong walang handa tuwing ng Hapi Berdi ko. Aug. 9, alanganin sa sweldo. Tangna! Hindi ko nga maalala kung kailan naghanda ang nanay at tatay ko para sa akin e. Meron pala, naghanda sila ng palusot. Dahil 3 kaming magkakapatid ang may berdi twing Agosto ay isa lang ang handa para tipid.

Madalas ay sa labas na lang kami kakain. Dalawa lang kami ni Mama para MAS tipid, syet. At para PINAKAMATIPID, sa isang karenderya sa loob ng Libertad (p)Wet Market kami kakain ng palabok, tangna talaga! Nakakaiyak dahil ang daming bumabati ng Habi Berdi, yung mga langaw at bangaw! Teynk you sa bati ha, tara magsalo tayo sa palabok, wag nyo lang iiputan! Bwiseet!

Nag leave ako sa araw ng Berdi ko para hindi nila malaman at para iwas gastos . Kaya lang nung nag OTRD ako(the day after my bday) for some reason, nalaman ng mga katrabaho ko na berdi ko. Siyet! katakot-takot na katyaw na pinamunuan ni Sup Franchie. Hapi Berdi talaga! Sori dahil sanay na ako na wlang handa kaya masanay na din kayo na walang kainin twing Aug. 9. hehehe.

Hindi din naman talaga iwas gastos dahil nagkaroon kami ng "sesyon" ng Kilometer64 (Kapi, naktulong ba ang baryang binigay ko?). Binagabag din ako ng isang anonymous texter. TInatanong nya kung mayroon bang Dios. Ipagdasal ko daw sya kung naniniwala man ako. Ang sumunod na text ay nagsasaad na huwag nang magreply o tumawag, ipaabot ko na rin daw ito kay Spin. Syempre todo taranta ang may hapi-Bday. Nag email kaagad ako sa KM64 para itanong kung kaninong number ito. Isang broken-hearted Rustum Casia pala ang nagtetext (na kagagaling lang din sa sakit).

So kahit wala sa schudule ay napapunta ako ng Maynila para hanapin ang pamamahay ni Rustum Casia. Isang Mercury Drug daw sa Craig St. at isang sari-sari store matapos maglakad ng isang kanto ang palatandaan .

Mula Lacson St.,(na binabaan ko mula sa PVP Bus, Ayala-Quiapo Route)
binagtas ang kahabaan ng Espana para hanapin ang messenger ng mga dios. Umabot ako ng Quiapo nang walang nakitang Mercury drug. Naglalawa na naman ang kilikili ko.

Naisip kong dumaan ng Raon para tumingin ng Electric Guitar at syempre dereche ng Arlegui para sa DVD. Educatioanl DVD's ang nabili ko. Isang Animal Cartoon Collection kasama ang Chicken Run, Antz at A Bugs Life, awa ng dios Chicken Run lang ang gumana. Maganda pa naman ang story ng Antz and Abugs Life dahil sa unity ng mga insekto para talunin ang common enemy.

'= Maganda din pala ang Chicken Run, kwento ng mga inahen na manok na nangangarap ng magandang buhay, hiwalay sa itlog-tumuka-katayin-kapag-hindi-na-mangitlog na buhay. Parang buhay ng isang empleyado sa Ayala o manggagawa sa pabrika. Buti pa nga yung mga manok organisado at hindi nagpauto sa mga "may-ari" o "nagpapakain" sa kanila. Mahusay ding pinakita dito lakas ng pagkakaisa. Super two thumbs upa ako.

At ang isa namang DVD ay isang hayup(!) at ma-animal na collection, Kama Sutra Collection.

'=Bandang 7:30 nang magtext si Kapi na maghintayan daw kami sa Fudge Cafe para puntahan si Rustum. Kumain muna kami sa isang Karenderya kasama na si Bolix. Na inlove ako sa lugar dahil meron silang Halo-halo Silog(calamares, tapa, chicken, sinangang at itlog), P50 lang!
Sayang lang dahil nakaorder na ako ng Chicksilog. Matapos ang ilang minuto ay dumating na si Alex. Dumiretso na kami sa bahay ni Rustum at sa resto ni Juday.
Mali pala ang lakad ko kanina. Dapat ay papuntang Welcome Rotonda hidni pa- Quiapo. hehehe
At ang Honey ko ay naghintay na naman ng sandaan taon para sa aking pagdating. I love you and Hapi Bertday to me.

Saturday, August 06, 2005

?

'=Namimiss ko ang banda days ko. Although short lived, i enjoyed it alot. Lumaki kasi ako sa panahong boom ang pinoy rock at rock music in general(here were we go again!) . I was in high school when foreign bands like Nirvana, Soundgarden, Pearl Jam, Alice in Chains, Candlebox, Offspring, Green Day, Metallica and the locals like Datu's Tribe, Tribal Fish, Wuds, Dawn, Afterimage dominate the airwaves.

Syempre, kapag idol mo rockstars, you imitate them, wear what they wear and do what they do. Aside from learning music, you learn to pierce your ears, tatoo your skin, dress and talk dirty, do booze, smoke and drugs. Na mahirap para sa akin dahil sa maniwala ka o sa hindi, conservative at religious ang mga magulang ko. Virgin pa ang tenga ko, makinis ang balat sa tato, although nakatikim na ako ng mj, S at yosi, fortunately hindi ako nalulon(just tried it out of curiosity). Maagang ipinaalam ng Papa ko ang masamang dulot ng yosi sa katawan. Kapag nahuli ka, bugbog sarado, definitely bad for your health!

Ang nagaya ko lang sa "buhay rockstar" ay ang magsuot ng basahan, wasakin ang mga branded clothes(na mangilan-ngilan lang hehehe) at tumugtog.

Bata pa ako noon, maraming open doors, maraming possibilities. You have the option to go left, right, right-left, left-right, straight, sit, roll over, play dead, bark! (hehehe parang aso.Damn! bakit ganito ang mga pinagsasabi ko? Parang napaka tanda ko na o parang mamamtay na ako!)

Ilang taon lang naman ang lumipas. Im still young. Just turning 25. Tangna aga dumating ng mid life crisis sa akin ah!

Feeling ko si Twoface ako. Split personality. Ang hirap.

I guess hindi lang ang mga nabanggit ang nagaya ko sa mga bwisit na rockstars na yan. Pati ata pagkasira ng ulo. I hope hindi na bumalik ang suicidal tendencies ko.

I hate Emo Punk. Tangna! Iba talaga ang tawag ng market, kailangang mag-ibento nang mag-imbento ng genre para kumita. Sorry sa mga nag-iidol sa Simple Plan at iba pang kagayang banda. WALANG EMOTIONAL PUNK NA GENRE. Walang bang emosyon ang punk rock ng Ramones o ng Clash o ng Sex pistols? e kahit nga kanta ni April Boy regino ay may emosyon e.

Sorry mukhang off topic na ako. Buti na lang may Postmodern theory na magtatanggol sa akin, I hope.

Friday, August 05, 2005

Malufet!

'= Download MP3 file here.

Produced by Artists for the Removal of Gloria (ARREST Gloria)

Lyrics: Alex Remollino (Kilometer 64)

Music: Bobby Balingit (vocalist and lead guitarist, The Wuds)

Vocals: Lourd de Veyra (vocalist, Radioactive Sago Project)
Sound mix: Southern Tagalog Exposure

(Southern Tagalog Exposure and Kilometer 64 are member organizations of the ARREST Gloria alliance, while Bobby Balingit and Lourd de Veyra are individual members)

("Tuparin Natin ang Banta ng Ating Panahon" first appeared in print as a poem in the Oust Gloria chapbook published by Kilometer 64)

Ang inyong lingkod ay isang pasaway na kasapi ng Kilometer64 na isa sa mga kasaping organisasyon ng ARREST Gloria, isang alyansa ng mga artista at manunulat na nagnanais ng pagpapatalsik sa kasalukuyang rehimen. Nais nilang maitayo ang isang trasitional gov't/council na bubuuin ng mga representante ng bawat sektor ng lipunan.

'= Download MP3 file here.

Ang iba pang organisasyon at indibidwal na bumubuo sa ARREST ay Southern Tagalog Exposure, KASIBULAN Women Visual Artists' Collective, KUMASA (Kulturang Ugnayan ng Manggagawa at Uring Anakpawis sa Timog Katagalugan) ARTIST, Inc. (Arts Research and Training Institute in Southern Tagalog) Tambisan sa Sining, Paolo Martinez, Andrea Muñoz, Gian Paolo Mayuga, Jeffrey Ferrer, Onin Tagaro, Winnie Balingit, Lourd de Veyra, Dong Abay, Ninj Abay at Con Cabrera.
 
Clicky Web Analytics