Bukas ng gabi (Oct. 5) sa Channel 5, ipapalabas sa Dokyu ang "Alingangaw ng mga Punglo"(Echos of Bullets). Ginawa ito ng Southern Tagalog Exposure isang grupo ng indie filmmakers.
Si Anne Torres ang host ng nasabing palabas. Ang Dokyu na pinpalabas tuwing Wednesday ay mula sa tradisyon ng The Correspondents at Eyewitness ngalang alternative/indie video documentaries ang pinapalabas nito kaya mas maganda. Highly-recommended ang palabas na ito lalo na nga mamayang gabi.
Napanood ko na ang Alingawngaw... Magkahalong luha at tinga ang nailabas ko. Luha para sa mga pinaslang na mamamayan, Tinga dahil sa ngalit ng ngipin para sa AFP-PNP-CAFGU lalo na sa commanding officer ng isang batalyong nakabase sa Mindoro, si Brig. Gen. Jovito "Berdugo" Palparan. Si Palparan ay Colonel pa lamang noon, at imbes na parusahan ng Gobyerno ni GMA ay iprinomote pa ito. Kaya nga ang inihasik na terorismo ni Palaparan ay ikinalat din sa iba pang lugar kung saan sya idinistino.
Sa mga lugar sa Southern Tagalog, Eastern Visayas at ngayon sa Central Luzon sya naghasik ng kanyang terorismo.
Kaya muli mamayang gabi tayo'y sabay-sabay na mamulat
Tuesday, October 04, 2005
Subscribe to:
Posts (Atom)