Thursday, April 28, 2005

Magbayad ng Maaga, Nang Hindi Maabala.

Below are the news articles that caught my attention.
(Sa corporate media kasi marami ang hindi news- worthy. To define the word or to comment on the practice of mainstream media, ito ang mga articles, features, etc. na wala silbi sa pang-araw-araw na buhay. News like "lumabas ang isang kastahan video ni ganire", " Sinagot na ni ganoon at si ganito", "nagkaregla na si child star at nagpatule na din si isa pa" at marami pang balitang kumakain ng precious airtime at space sa tv, radio, and print media na pawang walang mga kwenta. For Profit, in short. Leche!)

Thousands protest against Gaza withdrawal plan
Rights group: Abu Ghraib abuses 'tip of iceberg'
Iraqi MP killed, no government announced

+++++++++++++++++++++++++++++

This is my fourth night in my new shift. Grabe, banggag na ako sa puyat. Thank God (ehem), mayroong isang Van na tumatanaw ng utang na loob. Hindi ko kailangang bunuuin ang 3-5 months ng graveyard shift. 1 araw (or gabi) na lang balik AM na ako. She's just returning the favor. Last rotation, im on that same level of stupidity. Sana lang wag na syang humingi ng kapalit gaya ng ginawa ko. Pearl Jam Live at the Garden VCD ang hiningi kong kapalit sa shift na gusto nya.

Hindi na talaga ako sanay sa puyatan. Im not sure if that is a good news. But for sure being a Weekly Top Fax Performer for April 17-23 is a good one. This, after being second to the last fax performer (Ms. Thea being the first and unbeatable) for the past month. Nahiya na nga ako sa favorite Sup ko. Parati akong pasaway at alagain sa kanya. Feeling ko bata ako. Bata pa ba ang 19 yrs old? Honestly, malaki ang epekto sa akin nito kahit isa akong paway na nilalang (sa mata ng kapitalista). It boosted my morale somehow.

Ive learned that a teamate of mine was terminated for cussing a customer. NO COMMENT ako dito. But Rex nasaan ka man goodluck sa buhay-buhay.

Magbayad ng maaga, nang hindi maabala.

Wednesday, April 27, 2005

Thea's Request

Last week, may nagsabing mag-post naman daw ako ng tungkol sa buhay ko o personal experiences churva-churvasa aking blog. Syempre nagulat ako dahil may nagbabasa pala ng aking walang-kwentang blog. Ang initial reaction ko ay baket kaya? Nakakatamad bang pag-usapan o pag-isipan ang mga nagaganap sa ating bayan?Ang paniniwala ko, ang politika, ekonomya, kultura, atbp usapin sa lipunan ay bahagi ng tao.Social animal ang tao hindi ba? Kaya whatever i do, be it big or small, affects society and vice versa.

But during my restdays, i realized that that lady was right (bwisit talaga imbis na magagandang nilalang ang iniisip ko sa araw ng pahinga ay eto pa!). I should sometimes post personal stories or events. (Kunwa-kunwari na lang na matagal na ang blog ko at maraming akong mambabasa.) Kaya lang, knowing Thea, malamang pag chismisan ako nito at gumagawang kung anek-anek na istorya. Baka minsan pagpasok sa concentration camp (aka office)ay nagsasama na kami sa isang mansion sa Never-never land. Geeeeez! of all the places, Never-never land pa.(hahaha)Joke lang ho!!!) Dahil nililibre ako sa taxi papasok sa office, binibigyan ako ng pagkain, my discount ako sa mgapinagbebenta nya at PARA MATIGILAN NA, eto na ang request.

April 21, Thursday ay 8th anniv. namin ng aking labidabiduds. Im not a romantic person. For me, my handsome face and my sexy body are romantic enough. In short nalimutan ko ang "big day". Naalala ko lang ng marecieve ko ang text "nya" habang naglalakad pauwi galing sa opisina ng aking pandak at matabang Ate. After recieving the text, i immediately called her for a "date". Para syempre, kunyari alam ko at my plano ako sa araw na ito. Iwas sabon at banlaw (fyi, hindi ako takot sa kanya).

The plan: magkita kami sa Mcdo Pasay Rotonda at pumunta ng Quiapo para bumili ng dibidi. That's all.

Knowing that she's not yet ready. I walked (as usual) from Standard Chartered Bldg (ate's office) to Rustans. Sa mall ay nagkita pa kami ni Thea at Llewellyn, (na napakahirap ispellinginng pangalan.) Unfortunately. Buong kaplastikang nakipagbatian sa akin ang dalawa (ilang minuto lang ng huli kaming magkita sa torture den) thinking na hindi ko nakita ang sinilid nilang shades na ibebenta ng nauna sa office. Pagkatapos ng napakasagwang scene ay pumunta ako ng Tower Records. Matagal akong nag-iikot hanggang sa nakita ko ang Joey Ayala CD's, Magkabilaan at Unang Anak (ata) and bought it.Hanggang sa muling maalala ko na may "date" pala ako.

And like the previous 8 years, late na naman ako sa kitaan namin. I love the feeling that even you are late for 3 or four hours, shes still there waiting patient(ly).

My Initial plan is to ride a jeep from Pasay to Quiapo kaya lang walang dumaan na bakante ang upuan sa unahan. (I love sitting beside the driver, lalo na kung nandyan ang aking honey. Gusto kong nagpapalingon-lingon sa mga nadadaanan. Bukod doon Adik na ako sa carbon monoxide.) So LRT ang sinakyan namin, P15 hanggang Carriedo. Malas nga at hindi kami magkatabi. Walang pinagbago ang LRT, siksikan pa rin ang mga pasahero at ang epekto, mainit.

Carriedo Station, Balyahan at tsansingan portion na naman. May mall sa tabi ng nabanggit na LRT Station. Dito ang bagong pugad ng mga ibong humuhuni ng "boss dibidi". To my surprise, konti na lang ang stalls ng mga nagbebenta ng DVD. The last time i was here, about 1 1/2 monthsago ay 3/4 ang sakop nila (DVD sellers) pero ngayon wala pa silang 1/4. Ok naman. May nabili kami agad, Tatlo isandaan. 2 in 1 (Oceans 11 and Oceans 12), Before Sunset, at isang movie ni ni Ben Stiller. Awa ng Dios 1 out of the three DVDs ang panget ang kopya.

Pagkatapos noon, where off to the original piracy hotspot in Manila, Arlegui (of Manoag).Ito ang kalye across Plaza Miranda (o Ayan sa mga gustong pumunta). Papaliko pa lang sa Arlegui ay may napasin na ako, sarado ang stalls at marami ang tao. Nang dumertso pa kami ay pagkadami-dami ng pulis, confirmed nga ang binulong ko kanina kay Honey, may raid. Napurnada ang date namin, Malas! Hindi pa nakisama ang mga pulis patola. At lalong malas, ang pinuntirya ng raid ay ang bilihan ng porn dvd's. Syet! hindi ko pa nabibili ung sex video ni Mahal.
After 10 mins. nang pagiging tsismoso't tsitmosa weve decided to go home at baka magkahagisan ng gradanada't putol na kamay pa ang maipasalubong namin sa bahay.
Dahil wala pang 5:00, Napagdesisyunan namin na dumaan ng Divisoria at bumili ng kabayo. So from Arlegui ay naglakad kami papuntang Recto. Malayo-layo din ito. Nakakatuwang isipin malakas pa rin ang binting pinatibay ng ilang taong lakaran kung saan-saan.

Naglalawa sa pawis ang kilikili ko pagsakay namin ng jeep papuntang Divisoria. Iba na ang ruta ng jeep. Lumiko ito sa kung saang kanto at nagpaikot-ikotsa kung saang iskinita. Siguradong hindi naman kami hoholdapin dahil mukha akong inihaw na basang sisiw na sinawsaw sa sukang may bawang sibuyas at paminta (yummy!) na may kasamang garnish na sosyalin. Marami nang nagsulputan na mall dito pero ang Tutuban Mall ang malapit sa puso ko. Bukod sa ito ang pinaglalakwatsahan namin kapag galing sa classmate nya nung first year na malapit sa Pier ay nasa tapat nito ang rebulto ng idol ko si Gat Andres Bonifacio.

Ligtas kaming nakarating sa Tutuban. Dito nagpasweet-sweet kami. Bihirang mangyari ito (Dahil hindi nga ako sweet), kaya Iniinis ko nga sya nang iniinis by saying " Yes!Happy Anniversary!".
After two hours, umuwi na kami. Gusto ko sanang mag-train kami by going to Sta. Mesa kaya lang ang last trip ay 6:00 pm. Nag jeep kami papuntang Pasay. Pagkatapos nun wala ng interesanteng naganap. Pollution, Traffic, Palakasan ng Busina. Ngayon kung gusto ni Thea na pag-usapan pa ito ay tumawag ka na lang sa MMDA.

Basta ako (o kami ni Honey), raos na naman ang isang taon. My only wish is that my proletarian orientation will still be strong so as not to fall to temptations which are very common in a semi-feudal semi-colonial society.

Tuesday, April 26, 2005

Isolate my ass!

Isolated case daw ang dahilan ng pagkamatay ng anak ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos ayon sa DOH. Sino ang ginago nila? Ecoli bacteria ang pumatay sa teenagerna Abalos, na ayon din sa kanila nacommon lang ang nasabing bacteria sa mgakarne o gulay na kontaminado o di masyadong naluto at maruming tubig. Anghindi pagsunod sa advice ng Parokya ni Edgar(maghuhugas ng kamay pagkatapos mong tumae) ay isang dahilan din.

In our beloved country, majority of the people doesnt have access to clean and potable water. Marami rin ang walang CR. Gamit ang lumang jaryo at plastic, ito ang nagiging toilet bowl at tisyu at ang buong kalikasan ang pozo negro. AS the cliche goes, sa panahon ngayon, mahirap ang buhay dahil MAHAL ang mabuhay. Mas madali pero magastos din ang mamatay. Mahal ang lahat ng bagay para mabuhay (let alone a decent life)-- mahal ang pagkain, ang LPG para lutuin ito, ang gasolina, transportasyon, kuryente, tubig, damit atbp. Salamat sa capitalist society, pati pagmamahal ay for sale.

Isolated, and yet common ang deadly bacteria. Tangna.

Kung hindi lang anak ng isang mayor at kilalang pamilya ang kawawang namatay ay siguradong hindi ma-memedia yan at natural hindi malalaman ng sambayanan ang tungkol sa bacteriang ito.

Ilan na nga bang bata ang namatay(o namamatay araw-araw) dahil sa simpleng diarrhea na kung meron lang maayos at malinis na water system ay maiiwasan ito? Ilan ang namamatay araw-arawsa malnutrition? sa tigdas? sa tb? o miscarriage? Marami. Marami ang namamatay araw-araw dahil sa kakulangan/kawalan ng malinis na tubig, gamot at pagkain na dapatbinibigay ng Gubyerno. Marami ang namamatay araw-araw pero istadistika lang ang kanilang buhay sa estado. Simpleng numerong tinatala para "opisyal" na masukat ang kahirapan. Opisyal na stadistika upang gamiting tsapa upang humingi ng limos sa mga international funding agencies at iba pang "mapagkawang-gawang organisasyon. Malaking PUTANG-INA.

Hindi Ecoli, salmonela o kung anumang bacteria ang pumapatay sa maraming Pilipino kundi bacteria ng kahirapan. Baktiryang mula sa nabubulok na lipunang pilit sinasalaksak sa ating lalamunan. Lipunang pinaghaharian ng pinakamaruruming uri ng mga tao.

Thursday, April 21, 2005

Tang na!

Tang naaaaaaaaaaaaaaaaa, nabura ang entry for the day!!!. syet!
sory my make believe readers no post for this day. Inedit ako ng gagong editor, Si katangahan.

Saturday, April 16, 2005

Sakay Muna, Bago Baba

This is it! I have finally gathered enough courage, "materials" and hopefully, the time to maintain this online journal or diary or what ever you want to call it. Parang masakit sa tainga ang "Blog" e. Parang english ko, barok. The word reminds me of my grades in college blogsak! Siguro mas maganda kung journal, sosyal ( ehem! ) ang dating.

Syempre sa mga maiden issues at controversially named thingies kagaya ng journal na ito, ang nakatatamad na tanong ay bakit ito ang napiling ipangalan. At syempre ang nakatatamad na tanong deserves a nakatatamad na sagot, wala lang.

Pero kung ganyan at ganyanan din lang mag-inuman na lang tayo diba? Wala ding patutunguhan ang usapan. O nag feeling-feelingan lang ako na may nagbabasa ng blog ko?

Bukod sa napaka profound na sagot na"wala lang", meron pang ibang dahilan.

Laman na ako ng PUV's simula pagkabata ko. Kasama ang aking lakwatserang ina , madalas kaming pumunta ng Plaza Fair (Wala pang Megamol o Robinson's Galleria noon) sa Makati para manood ng Inday, Inday sa Balitaw, Bb. Tsuperman, Captain Barbel atbp pelikula nila Roderick Paulate, Edu Manzano at Maricel Soriano. Salamat sa Dios normal pa naman ako.

Meron kaming sariling sasakyan pero dahil lakwatsero din ang aking ama, madalas wala siya sa bahay. Given the time, maybe he will create his own journal about the advantages of having private vehicles. Damn!

PUV's are Jeeps, Buses, Trains (MRT, LRT, PNR), Trolleys, Pedicabs, and Ferries. Nasakyan ko na lahat ang mga ito. But like most of the 99% of the Filipino's, i use the jeep and bus on a daily basis. But when im going to Manila(from south) the cheapest would be the PNR Train but let's not talk about the travel time and the cleanliness. Bihira ang taxi dahil sa mahal nito, same goes with the aircon buses. I love riding pedicabs and trolleys, dahil malapit na ito sa community na uuwian mo, relatively fresher ang air as opposed to in the highways or service roads.

What happened to the 1% you may ask? They are the rich people that never experienced riding on a crowded, hot, rusty PUV. They're loss! They never experienced the thrill of kissing someone's armpit, shoving someone else's face, "accidentally" touching womens breasts (not that ive done that) just to get a ride. And after the chaos, the shoving, the pushing, whether your wearing long-sleeves or t-shirts, slocks or puruntong, whether your holding a high-end phone or a carpenters toolbox, all are equal, all are common, all smell.

Well, it's not totally correct if im going to say that its the rich people's loss if they didnt experience riding on a PUV. But answering that will spoil the fun. hehehe. Watch out for my next post(assuming that someone reads this trash. I assume too much!), maybe 10 years from now.

Sa ngayon, Sakay lang muna, Bago baba.
 
Clicky Web Analytics