Tuesday, October 04, 2005

Alingawngaw ng mga Punglo

Bukas ng gabi (Oct. 5) sa Channel 5, ipapalabas sa Dokyu ang "Alingangaw ng mga Punglo"(Echos of Bullets). Ginawa ito ng Southern Tagalog Exposure isang grupo ng indie filmmakers.

Si Anne Torres ang host ng nasabing palabas. Ang Dokyu na pinpalabas tuwing Wednesday ay mula sa tradisyon ng The Correspondents at Eyewitness ngalang alternative/indie video documentaries ang pinapalabas nito kaya mas maganda. Highly-recommended ang palabas na ito lalo na nga mamayang gabi.

Image hosted by Photobucket.com Napanood ko na ang Alingawngaw... Magkahalong luha at tinga ang nailabas ko. Luha para sa mga pinaslang na mamamayan, Tinga dahil sa ngalit ng ngipin para sa AFP-PNP-CAFGU lalo na sa commanding officer ng isang batalyong nakabase sa Mindoro, si Brig. Gen. Jovito "Berdugo" Palparan. Si Palparan ay Colonel pa lamang noon, at imbes na parusahan ng Gobyerno ni GMA ay iprinomote pa ito. Kaya nga ang inihasik na terorismo ni Palaparan ay ikinalat din sa iba pang lugar kung saan sya idinistino.
Sa mga lugar sa Southern Tagalog, Eastern Visayas at ngayon sa Central Luzon sya naghasik ng kanyang terorismo.

Kaya muli mamayang gabi tayo'y sabay-sabay na mamulat

Saturday, September 24, 2005

Ang telepantasya ni Gloria

Nasa ibaba ang isang pangit na tula ngunit napili pa rin sa librong Truth and Consquence, Poems for the Removal of Gloria Macapagal-Arroyo.

Matapos ipasa ito kay Danton Remoto thru email (na lampas sa deadline na) ay naisipan ko itong i-revise. Maganda sana ang tula kaya lang mas may ikakaganda pa ito. Sa kasawiang palad ay hindi din natapos ang revised version nito dahil sa katamaran.

Ang mga makata na nacontribute ay ang mga ss:

Rio Alma, Bienvenido Lumbera, Luisa A. Gloria, Rene O. Villanueva, Frank Rivera, Mila D. Aguilar, Rolando Tolentino, Mark A. V. Funcion, Romulo P. Baquiran, Jr., Marne Kilates, Jimmuel C. Naval, Jaime Dasca Doble, Danton Remoto, Leonora Estaris, Joel H. Vega, Michael Francis C. Andrada, Kristoffer Berse, Joel Costa Malabanan, Joi Barrios, Mary Thomas, Michael M. Coroza, John Iremil E. Teodoro, Duke Bagulaya, Sofiya Colette Cabalquinto, Hermie Beltran, Luis Cabalquinto, Telesforo Armada.


SONA 2005

Ngayong Hulyo,
sa kaharian ng engkantadya
Sa harap ng mga halimaw, salamangkero at diwata,
Papalakpakan si Gloria.

Ipagyayabang ang kapangyarihan niya.
Lulutasin, wawakasan, gagapiin ang
Kahirapan, Kagutuman, Kawalang pag-asa
Ang Problemang Valentina ng masa.

Ang solusyon: Isang malakas na sigaw ng Darna!


-Mark A.V. Funcion



==========
Profile

Mark A.V. Funcion. Magsi-silver-anniversary ng pagkabuhay sa Agosto.
Nais magtayo ng sariling banda, maging full-time activist, mandirigma
ng pambansa-demokratikong kilusan, maging mabuting "ex-boyfriend" at
ama at marami pang iba. Matagal nang hindi nakakasulat ng tula. Pilit
pa rin niyang hinahanap ang Musa at pilit kumakawala sa alienation na
dulot ng higit sa 8 oras na pagtatrabaho 5 beses isang lingo.

Ang tula ay unang lumabas sa Oust Gloria Chapbook ng Kilometer64.
Salamat kay Kris Berse na pinaalam thru email na ang tula ay nakasama sa libro.

Saturday, September 10, 2005

Saan ang KM64?

Three consecutive weeks nang hindi ako nakakapunta sa sa weekly meeting ng mahal kong grupong Kilometer64. Intrigang-intriga na ako sa Newsdesk na pinagdadausan ng poetry clinic namin. Mura daw ang beer sabi nila Alex at Kapi, P20! mura din daw ang pulutan. Bigatin pa naman ang mga bisita noong mga nakaraang clinic. Sina Gelacio Guillermo at Abet Umil lang naman ang nagcritic. Malas!

Hindi ko magawang dumalo sa clinic namin samantalang nakikpag one-on-one ako kay Bong sa Germaines. Sorry po talaga!

Gustong-gusto ko na talagang makapiling muli ang mga Ka-Kilometro. Pramis this next Friday punta na ako.

Thursday, September 08, 2005

Suportahan po natin ito!

Let's Support Pinoy Coconut Geotextile
- a Finalist in BBC's World Challenge!


Fellow Pinoys,

Did you know that the Philippines' coconut geotextile (a.k.a.
coconet) for soil erosion control has been chosen as one of the 12
finalists in Newsweek and BBC's (British Broadcasting Corporation)
World's World Challenge?

The World Challenge is basically a competition/ search designed at
identifying groups or individuals all over the world whose projects
have contributed great impact at grass roots level.

A documentary about Philippine Coconut geotextile or coconet industry
will be shown on the BBC World cable channel on September 24 around
8:30 GMT and will also be featured in the August 29 special issue of
Newsweek.

"The World Challenge" already offers a tremendous exposure and
publicity to our flourishing Philippine coconut geotextile industry
and to our Philippine coconut fiber exporters. But it would be great
pride for our country, which has been getting very bad publicity
nowadays, to win this prestigious competition.

To vote, please open

http://www.theworldchallenge.co.uk/vote.php

and click the picture of Philippine coconet.

Please help us campaign for more voters by forwarding this message
to your co-worker, friends and relatives.

Thanks!


P.S. One of those involved in the development of coconut fibers is
Dr. Bo
Arboleda from Albay.

Saturday, September 03, 2005

Texters Unite for Truth!

On Monday, 5 September 2005, the House Justice
Committee will give its
report to the plenary session
of congress regarding its move to quash
all three impeachment complaints.

While the impeachment complaint is dead at the
Justice Committee, it can
still be resurrected in the plenary
if the opposition can muster 1/3 of
the house members to vote against the
Justice Committee decision & in
favor of the amended impeachment complaint.

As of the latest count, they are
6 signatures shy of the 79 signatures
required.

We were able to obtain these contact information
(cellphone & email addresses) of the
undecided congressmen. We need your help in TEXTING &
EMAILING all these undecided congressmen
to vote for truth & justice. As
we have very little time, we urge you to take
action by texting and
emailing, and by passing this email along
to all your friends & family members.

LET'S DO THIS NOW.

Maraming salamat sa ating lahat. Ang pagkamit ng katotohanan at
katarungan ay nasa ating sama-samang pag-kilos.

Best to All,
TXTPower

------------------------------

CELLPHONE NUMBERS OF UNDECIED CONGRESSMEN

Roman 09189054944
Wacnang 09178178966
Locsin 09189183117
Remulla 09189105809
Baculio 09189028638
Abayon 09178366153
Jala 09173040165
Yapha 09168537920
Vicencio 09177321847
Macias 09196945755
Cales 09192838323
Cua, Gil 09189271092
Chatto 09173040391
Garin 09173023021
Biron 09189047685
Uliran 09188898888
Mandanas 09178998828
Firmalo 09209203676
Cua, Junie 09189190281
Reyes, V 09175397512
Banaag 09189117255

Sunday, August 21, 2005

My Precious!

I now have my own Mao Cap! Yahoooo!
A few days from now ill be claiming that darn green thingie that ive been searching for years now. And to add more angas to my Mao collection, a Little Red Book is included in the package! Yahooo times two!!!


'= '=

Friday, August 12, 2005

Hapi Bertdi to Me.

'=Nasanay na akong walang handa tuwing ng Hapi Berdi ko. Aug. 9, alanganin sa sweldo. Tangna! Hindi ko nga maalala kung kailan naghanda ang nanay at tatay ko para sa akin e. Meron pala, naghanda sila ng palusot. Dahil 3 kaming magkakapatid ang may berdi twing Agosto ay isa lang ang handa para tipid.

Madalas ay sa labas na lang kami kakain. Dalawa lang kami ni Mama para MAS tipid, syet. At para PINAKAMATIPID, sa isang karenderya sa loob ng Libertad (p)Wet Market kami kakain ng palabok, tangna talaga! Nakakaiyak dahil ang daming bumabati ng Habi Berdi, yung mga langaw at bangaw! Teynk you sa bati ha, tara magsalo tayo sa palabok, wag nyo lang iiputan! Bwiseet!

Nag leave ako sa araw ng Berdi ko para hindi nila malaman at para iwas gastos . Kaya lang nung nag OTRD ako(the day after my bday) for some reason, nalaman ng mga katrabaho ko na berdi ko. Siyet! katakot-takot na katyaw na pinamunuan ni Sup Franchie. Hapi Berdi talaga! Sori dahil sanay na ako na wlang handa kaya masanay na din kayo na walang kainin twing Aug. 9. hehehe.

Hindi din naman talaga iwas gastos dahil nagkaroon kami ng "sesyon" ng Kilometer64 (Kapi, naktulong ba ang baryang binigay ko?). Binagabag din ako ng isang anonymous texter. TInatanong nya kung mayroon bang Dios. Ipagdasal ko daw sya kung naniniwala man ako. Ang sumunod na text ay nagsasaad na huwag nang magreply o tumawag, ipaabot ko na rin daw ito kay Spin. Syempre todo taranta ang may hapi-Bday. Nag email kaagad ako sa KM64 para itanong kung kaninong number ito. Isang broken-hearted Rustum Casia pala ang nagtetext (na kagagaling lang din sa sakit).

So kahit wala sa schudule ay napapunta ako ng Maynila para hanapin ang pamamahay ni Rustum Casia. Isang Mercury Drug daw sa Craig St. at isang sari-sari store matapos maglakad ng isang kanto ang palatandaan .

Mula Lacson St.,(na binabaan ko mula sa PVP Bus, Ayala-Quiapo Route)
binagtas ang kahabaan ng Espana para hanapin ang messenger ng mga dios. Umabot ako ng Quiapo nang walang nakitang Mercury drug. Naglalawa na naman ang kilikili ko.

Naisip kong dumaan ng Raon para tumingin ng Electric Guitar at syempre dereche ng Arlegui para sa DVD. Educatioanl DVD's ang nabili ko. Isang Animal Cartoon Collection kasama ang Chicken Run, Antz at A Bugs Life, awa ng dios Chicken Run lang ang gumana. Maganda pa naman ang story ng Antz and Abugs Life dahil sa unity ng mga insekto para talunin ang common enemy.

'= Maganda din pala ang Chicken Run, kwento ng mga inahen na manok na nangangarap ng magandang buhay, hiwalay sa itlog-tumuka-katayin-kapag-hindi-na-mangitlog na buhay. Parang buhay ng isang empleyado sa Ayala o manggagawa sa pabrika. Buti pa nga yung mga manok organisado at hindi nagpauto sa mga "may-ari" o "nagpapakain" sa kanila. Mahusay ding pinakita dito lakas ng pagkakaisa. Super two thumbs upa ako.

At ang isa namang DVD ay isang hayup(!) at ma-animal na collection, Kama Sutra Collection.

'=Bandang 7:30 nang magtext si Kapi na maghintayan daw kami sa Fudge Cafe para puntahan si Rustum. Kumain muna kami sa isang Karenderya kasama na si Bolix. Na inlove ako sa lugar dahil meron silang Halo-halo Silog(calamares, tapa, chicken, sinangang at itlog), P50 lang!
Sayang lang dahil nakaorder na ako ng Chicksilog. Matapos ang ilang minuto ay dumating na si Alex. Dumiretso na kami sa bahay ni Rustum at sa resto ni Juday.
Mali pala ang lakad ko kanina. Dapat ay papuntang Welcome Rotonda hidni pa- Quiapo. hehehe
At ang Honey ko ay naghintay na naman ng sandaan taon para sa aking pagdating. I love you and Hapi Bertday to me.

Saturday, August 06, 2005

?

'=Namimiss ko ang banda days ko. Although short lived, i enjoyed it alot. Lumaki kasi ako sa panahong boom ang pinoy rock at rock music in general(here were we go again!) . I was in high school when foreign bands like Nirvana, Soundgarden, Pearl Jam, Alice in Chains, Candlebox, Offspring, Green Day, Metallica and the locals like Datu's Tribe, Tribal Fish, Wuds, Dawn, Afterimage dominate the airwaves.

Syempre, kapag idol mo rockstars, you imitate them, wear what they wear and do what they do. Aside from learning music, you learn to pierce your ears, tatoo your skin, dress and talk dirty, do booze, smoke and drugs. Na mahirap para sa akin dahil sa maniwala ka o sa hindi, conservative at religious ang mga magulang ko. Virgin pa ang tenga ko, makinis ang balat sa tato, although nakatikim na ako ng mj, S at yosi, fortunately hindi ako nalulon(just tried it out of curiosity). Maagang ipinaalam ng Papa ko ang masamang dulot ng yosi sa katawan. Kapag nahuli ka, bugbog sarado, definitely bad for your health!

Ang nagaya ko lang sa "buhay rockstar" ay ang magsuot ng basahan, wasakin ang mga branded clothes(na mangilan-ngilan lang hehehe) at tumugtog.

Bata pa ako noon, maraming open doors, maraming possibilities. You have the option to go left, right, right-left, left-right, straight, sit, roll over, play dead, bark! (hehehe parang aso.Damn! bakit ganito ang mga pinagsasabi ko? Parang napaka tanda ko na o parang mamamtay na ako!)

Ilang taon lang naman ang lumipas. Im still young. Just turning 25. Tangna aga dumating ng mid life crisis sa akin ah!

Feeling ko si Twoface ako. Split personality. Ang hirap.

I guess hindi lang ang mga nabanggit ang nagaya ko sa mga bwisit na rockstars na yan. Pati ata pagkasira ng ulo. I hope hindi na bumalik ang suicidal tendencies ko.

I hate Emo Punk. Tangna! Iba talaga ang tawag ng market, kailangang mag-ibento nang mag-imbento ng genre para kumita. Sorry sa mga nag-iidol sa Simple Plan at iba pang kagayang banda. WALANG EMOTIONAL PUNK NA GENRE. Walang bang emosyon ang punk rock ng Ramones o ng Clash o ng Sex pistols? e kahit nga kanta ni April Boy regino ay may emosyon e.

Sorry mukhang off topic na ako. Buti na lang may Postmodern theory na magtatanggol sa akin, I hope.

Friday, August 05, 2005

Malufet!

'= Download MP3 file here.

Produced by Artists for the Removal of Gloria (ARREST Gloria)

Lyrics: Alex Remollino (Kilometer 64)

Music: Bobby Balingit (vocalist and lead guitarist, The Wuds)

Vocals: Lourd de Veyra (vocalist, Radioactive Sago Project)
Sound mix: Southern Tagalog Exposure

(Southern Tagalog Exposure and Kilometer 64 are member organizations of the ARREST Gloria alliance, while Bobby Balingit and Lourd de Veyra are individual members)

("Tuparin Natin ang Banta ng Ating Panahon" first appeared in print as a poem in the Oust Gloria chapbook published by Kilometer 64)

Ang inyong lingkod ay isang pasaway na kasapi ng Kilometer64 na isa sa mga kasaping organisasyon ng ARREST Gloria, isang alyansa ng mga artista at manunulat na nagnanais ng pagpapatalsik sa kasalukuyang rehimen. Nais nilang maitayo ang isang trasitional gov't/council na bubuuin ng mga representante ng bawat sektor ng lipunan.

'= Download MP3 file here.

Ang iba pang organisasyon at indibidwal na bumubuo sa ARREST ay Southern Tagalog Exposure, KASIBULAN Women Visual Artists' Collective, KUMASA (Kulturang Ugnayan ng Manggagawa at Uring Anakpawis sa Timog Katagalugan) ARTIST, Inc. (Arts Research and Training Institute in Southern Tagalog) Tambisan sa Sining, Paolo Martinez, Andrea Muñoz, Gian Paolo Mayuga, Jeffrey Ferrer, Onin Tagaro, Winnie Balingit, Lourd de Veyra, Dong Abay, Ninj Abay at Con Cabrera.

Thursday, July 07, 2005

More Gloria Jokes...

The article below was written by Atty. Remigio Saladero, Jr. and stolen from Pinoy Weekly .

ANG pagiging mapagbiro ay likas sa mga Pilipino. Kahit gaano kaseryoso o kasensitibo ang isang bagay, nagagawa pa ring magpatawa ng mga Pinoy. Ang katangiang pagtawanan ang ating kalagayan at pasayahin ang ating mga sarili, ayon sa mga dalubhasa, ay nakakatulong sa atin upang pagaanin ang bigat ng hirap na dulot ng buhay.

Ngunit may mga pagkakataon na ang pagbibiro ay ginagawa ng mamamayan hindi lamang upang pasayahin ang kanilang mga sarili kundi, upang ilabas ang kanilang pagkamuhi o pagkainis sa isang tao o situwasyon. Nangyari ito noong panahon ng diktadurang Marcos. Naglipana noon ang mga Marcos jokes. Nangyari din ito ng panahon ni Pang. Erap. Inulan din tayo noon ng Erap jokes. At ngayon ay umiikot na rin ang mga Gloria jokes.

Napabagsak ng People Power si Marcos. Napabagsak din ng People Power si Erap. Mapababagsak din kaya ng People Power si Pang. Gloria ? Ang lakas ng kilusang masa ang magpapasya nito. Ngunit batay sa mga Gloria jokes na naglipana, mukhang suklam na suklam na sa kanya ang mamamayan. Halina at tunghayan natin ang ilan sa mga Gloria jokes na ito :

* * *

Lumubog daw ang barkong sinasakyan nina Pang. GMA. Mabuti na lamang at may isang binatang magaling lumangoy. Naisalba nito si Pang. GMA.

Tuwang-tuwa si Pang. GMA sa binata. “Anong regalo ang gusto mo mula sa akin ?,” tanong niya rito.

“Gusto ko po ng wheelchair”, sagot ng binata.

“Bakit wheelchair?” sabi ni Pang. GMA. “Hindi ka naman lumpo?”

“’Yun na nga po,” sabi ng binata. “’Pag nalaman kasi ng tatay ko na niligtas ko kayo, tiyak na lulumpuhin ako noon!”

* * *

Pumunta si Pang. GMA sa isang pari. Ang sabi ni Pang. GMA, “Padre, mangungumpisal po ako.

“Nagsinungaling ako sa mamamayang Pilipino.” Sumagot ang pari, “Sige, magsimba ka sa susunod na Linggo. Basahin mo ang Mathew, Chapter 17 sa bibliya at iyon ang tatalakayin ko sa aking sermon.”

Pagdating ng Linggo, nagsimba nga si Pang. GMA. Nagtanong ang pari, “Ang sermon ko ngayon ay tungkol sa mga sinungaling. Sino sa inyo ang nakapagbasa ng Mathew, Chapter 17 ?”

“Ako!” sagot ni Pang. GMA. Sumagot ang pari, “Kayo ang klase ng taong gusto kong pag-usapan. Walang Matthew, Chapter 17 sa Bibliya. Tuloy ang sermon ko tungkol sa mga sinungaling.”

* * *

Pumunta kay Nostradamus ang mga pinuno ng mga Third World countries upang tingnan kung ano ang mangyayari sa kanilang mga bansa sa ilalim ng kanilang pamumuno.

Unang nagtanong ang pangulo ng Myanmar. “Mahal na propeta,” sabi niya. “Ano ang mangyayari sa aming bansa sa ilalim ng aking pamumuno?”

Tiningnan ni Nostradamus ang kanyang bolang kristal at ipinakita sa pangulo ng Myanmar. Hinimatay ang pangulo ng Myanmar sa kanyang nakita.

Sumunod naman ng pangulo ng Laos: “Ano ang mangyayari sa aming bansa kapag tinapos ko ang aking panunungkulan?” tanong niya. Tiningnan ni Nostradamus ang kanyang bolang kristal. Nang makita ito ng pangulo ng Laos, bigla itong hinimatay.

Sumunod naman si Pang. GMA. “Ano po ang mangyayari sa Pilipinas kapag ipinagpatuloy ko ang aking panunungkulan?” tanong niya kay Nostradamus. Tiningnan ni Nostradamus ang kanyang bolang kristal.

Bigla na lang hinimatay si Nostradamus.

* * *

Ini-interview ang mga pro-GMA na nagra-rally sa Quezon City Welcome Rotonda.
Announcer: Hinakot ba kayo rito?
Ralyista: Hindi po!
Announcer: Tinakot ba kayo?
Ralyista: Hindi po!
Announcer: Binayaran ba kayo?
Ralyista: Hindi pa po!

* * *

Medical Bulletin: Bumagsak daw sa medical examination si Pang. GMA, sabi ng doktor sa Malacañang. Nadiskubre daw kasi ng doktor na “There is nothing Left on the Right side of her brain and there is nothing Right on the Left side of her brain, either.”

* * *

Sakay daw ng eroplano si Pang. GMA at si Comm. Garcillano. Natanaw nila ang isang bayan sa Mindanao.

Garcillano: Panalo ka sa bayang ito. Kung maghuhulog ka ng P1 million, tiyak matutuwa ang bayang ito.
Pang. GMA : Bakit P1 million lang. Dapat P5 million ang ihulog natin. Tiyak buong probinsiya ang matutuwa.
Piloto : Tumahimik nga kayo. Kapag kayong dalawa ang inihulog ko rito, tiyak buong Pilipinas ang matutuwa!

* * *

Aba naman Gloria
puno ka ng grasya
Ang yaman ng tao’y sumaiyo na
Bukod kang nandaya sa babaeng lahat
Pinagpala rin
asawamo’t anak
wala nang natira sa
AMEN!

* * *

Similarities between CLINTON and GMA:
Both studied at GEORGETOWN.
Both became PRESIDENTS.
Both got EMBROILED in CONTROVERSIES. One involving his CIGAR and the other, her GARCI

* * *

Ang pagdami ng mga Gloria jokes ay pahiwatig ng patuloy na pagkasuklam ng mga mamamayang Pilipino sa kasalukuyang admi-nistrasyon. Ganunpaman, habang patuloy ang pag-ikot ng nasabing mga biro ay dapat pa nating pag-ibayuhin ang pag-oorganisa at pagkilos upang tuluyan na nating mapatalsik ang pinakamalaking biro sa ating buhay: ang administrasyong Macapagal-Arroyo.

Wednesday, July 06, 2005

Oust Gloria Petition. Sign and Spread the palaman este the word

Nasa baba po ang isang petisyon na sinimulan ng aking grupong kinabibilangan, ang Kilometer64.

You can go to this site to sign the online petition.

We are poets and other writers who fully agree with National Artist Napoleon Abueva’s recent declaration calling on President Gloria Macapagal-Arroyo to resign from her post. Her fraudulent victory in the May 2004 election – together with her record of economic and political maladministration, subservience to foreign vested interests and suppression of the most basic human freedoms – have rendered her totally unfit to stay in Malacañang a day more.

As writers, we remember that one of Macapagal-Arroyo’s first – and gravest – offenses was against the freedom of expression, a basic right enshrined in no less than the Philippine Constitution and much treasured by literary and other cultural workers. Her banning of Live Show, a well-researched film about how extreme poverty forces many of our countrymen into the darkest depths of self-degradation in exchange for food on the table – one of the President’s oft-repeated promises – was one of the very first issues against her.

In contrast, she has not even lifted a finger against the most brazen displays of obscenity by noontime show hosts and so-called “singers” and “actors” who have lent their names to her various propaganda gimmicks.

Macapagal-Arroyo’s total absence of even the slightest respect for freedom of expression would be further shown not only by her administration’s various attempts to gag the media and the cultural sector, but also by her government’s bestowing of significant national awards to, among others, self-appointed literary mentors who have made a living out of discouraging novice writers from taking the path of social concern – thus severely limiting the possibilities of development for literature in the Philippines, a country plagued by ages-old societal ills that clamor to be written about.

Clearly, Macapagal-Arroyo views the act of luring beginning writers into taking the road of apathy to the nation’s plight – in contrast to the sterling traditions of Dr. Jose Rizal, our National Hero; and Amado V. Hernandez, himself a National Artist for Literature – and deceptively leading them along the path of treachery to the people, as a significant contribution to the development of Philippine literature and culture.

Macapagal-Arroyo asks that we sing hosannas to those who sell us the most dangerous hallucinogens amid an over-all national condition that calls for the most sober thoughts and actions.

On top of all these, Macapagal-Arroyo would even attempt to conscript writers and other cultural workers for her government’s hypocritical campaign to propagate an “anti-corruption” culture. The current occupant of Malacañang, whose name has figured in more than ten large-scale corruption scandals, is in absolutely no position to instill anti-corruption values in the minds and hearts of the people.

Her brand of anti-corruption culture is one that punishes those who blow the whistle on the big fish – like former Public Estates Authority (PEA) director Sulficio Tagud, Jr., Rear Admiral Guillermo Wong of the Philippine Navy, and Landbank teller Acsa Ramirez – while keeping the guns trained on the small fry. It is an anti-corruption culture that will only teach the people – particularly the young – that petty crime does not pay but high crime pays big time.

For these, we demand that President Gloria Macapagal-Arroyo step out of Malacañang, and we commit to either joining or supporting all actions aimed at her ouster as a prerequisite to building a transition council that would pave the way for reforms that would go beyond the scope of a mere regime change.

Enough is enough, Mrs. President. It is time to finish the final chapter of your book.

Wednesday, June 29, 2005

Gloria Jokes, Gloria's a Joke.

Pasensya sa pasahero's na naghihintay ng update sa aking journal. Alam kong malaki ang aking kasalanan sa kasaysayan. These past few weeks ay marami at malalaki ang mga nangyayari sa pinakmalaking public tsubibo, ang ating bansang Pilipinas. Wala akong magandang dahilan. Im just plain lazy. Thanks to Khavn kasi sabi niya "Sloth is the enemy of the Muse". Buti na lang lalaki ako, Escort dapat yun!

Eto muna.

'= Sa dami ng mga batikos hindi magawang magsalita ng ating presidente.Bakit?! ……………………….Mahirap na. Baka mabosesan!
===
Latest news update: Iggy Arroyo is now practicing the voice of GMA.
A longer version:
News: Nakatakdang aminin ni Iggy Arroyo na siya ang babaeng boses sa tape. Napabalitang bumalik siya sa kanyang bayan para pag-aralan gayahin ang boses ni gma.
===
Woman: Garci, dy, pasahan mo naman ako ng load, este, ng vote….
===
Garci: Hindi ako nagtatago noh! Nakikipag-phonepal ako kay Saddam!
===
Opposition: Why can’t GMA come out and say ‘i’m not the ma’am in the tape’?
Malacañang: She doesn’t want to lie.
===
Ang mga nangyayari sa ating bansa parang teleserye:
Yung jueteng scandal ang title "Mga anak ng jueteng."
Yun namang gloriagate scandal "Tap si glo!"
===
Babae: Lahat ng mga Arroyo ay magnanakaw.
Lalaki: Ang sakit mo namang magsalita.
Babae: Bakit? Isa ka ba sa mga Arroyo?
Lalaki: Hindi. Magnanakaw ako!
===
Aba naman Gloria napupuno ka ng grasya.Ang kayamanan ng tao ay sumaiyo na,Bukod ka pinagpala sa babaeng lahat.Pinagpala rin ang iyong angkan. Wala nang natira saAMEN.
===
Q: What special feature is added in the cellphones of Mike and Mikey Arroyo?
A: Call Jueteng.
Ssssshhhhh! Naka-wire tap, si Gary ito huh!

http://www.pcij.org/blog/?p=125

To download/listen to the taped conversation please go to
http://qc.indymedia.org/news/?category=&medium=audio

To download Hello Garci? ringtones go to
http://txtpower.org/

Bwisitin natin ang NBI at DOJ ni Gloria! hehehe!
Sama-sama tayo sa kulungan!
Sedisyon kung sedisyon!

Monday, May 02, 2005

Punk's not Dead

I miss my Kuya Jon-Jon. He taught me alot about life and how to survive. How to blend with common people. Pandak, mataba at maliit sya, ako naman ay matangakad, matipuno at maputi (compared to him). Kaya madali sa kanya ang magblend sa common tao.

Siya ay isang punkista. Siya ang nag-introduce sa akin sa hardcore, alternative and/or underground music. Early 90's, panahon ng pagputok ng Pinoy Rock/Punk Scene, underground at mainstream, kasabay din ito ng malawakang kilusang masa, diskontento sa rehimeng Aquino at sa pagpapatalsik sa US Bases. Philippine Violators, The Wuds, Bayang Barrios, Advent Call, Snakebite Religion, Dead Ends, Sex Pistols, Ramones and other underground bands na karamihan ay dumiretso under the ground at hindi na umabot sa bagong milenyo (sadly). Ang puntahan ng kabataan noon ay hindi mall at motel kundi mga open fields para manood ng konsyerto. Amoranto, Rizal Stadium atbp. Sumikat din ang mga clubs like Clubb Dredd, 70's Bistro at Mayrics.

Isa sa mga "ge(r)ms" na nakuha ko sa kanya ay ang pag-123 o hindi pagbayad sa jeep na noon ay 2.50 pa lang! Kung iniisip nyo (ayan, "nyo" na! marami nang nagbabasa sa blog ko!) na masama na ito wala pa yan. Hihingi pa kami ng sukli! Tipong mga dialogue na "Manong, yung sukli po sa P50, pababa na ho kami"! Pakshet! Tangna! Bwakanang ina! Lahat yata ng mura ay nabanggit ng virgin kong bibig! (huh?!) nang sabihin nya un while on our way sa isang konsyerto.
Laking gulat ko na nagmamadali naman sa pagbigay ng "sukli" ang pobreng driver na para bang gusto pang mag-sorry.

Ang ganda ng ngiti ng gago kong Kuya habang bumababa sa dyip.

Hindi pa rin dyan nagtatapos ang kanyang talino. Kung mahuli sa ganitong modus operandi, ay dapat daw na maiwan ako sa dyip habang sya ay tatakbo at pahahabulin ang driver. Habang hinahabol sya ay kuhanin ko daw ang kaha ng driver. Ganun kagaling ang pagiisip nya. Karapat-dapat na idolin.

Matindi ang mga Punkista noon hindi gaya ngayon na panay posers at pormahan lang, mga walang kwenta. Noon hindi sila bumibili ng damit, gumagawa sila out of garbage at pipintahan ng kung ano-anong subersibong salita. Ang mga naka-mohawk at spiked hair ay hindi ginagamitan ng gel, walang pang Gatsby noon, pintura at egg white ang gamit. Mas matagal ang epekto at may libreng solvent pa (kaya nga ganon ang mag-iisip).

Sa mga major concerts, hindi uso ang pumunta sa ticket booths, ang uso ay mag-gate crash. Bon Jovi at Pearl Jam concerts lang naman ang na-gatecrash nya. Habang ang pa-burges naming mga barkada na gustong-gusto ang PJ ay tameme sa labas.

Kahit mataba at maliit, siguradong hindi aatras sa suntukan ang Kuya ko. Hindi ko nga alam kung saan nya kinukuha ang lakas ng loob. Pero sabi ng Mama ko ay pinaglihi sa nuno sa punso, ung dwendeng itim, kaya nga daw negro. Handa syang makipagsuntukan kahit malaki pero matalino ding aatras kung madami at malalaki ang katawan.

Kaya malapit sa puso ko ang mga Punkista. Ang kuya ko ay nagturo sa akin maging jologs, wag maging maselan, wag maging maarte. Maging hunyango, palos, at tubig. Ang punks noon ay mas malapit sa ideolohiyang Anarchism hindi nga gaya ngayon na porma porma lang at mga tanga pa. Kung tatanungin tungkol halimbawa bakit ganyan ang porma mo o kung ano ang gusto mong lipunan ay kamot ulo lang ang sagot. Biruin mong pati simbolo ng mga gagong Nazi ni Hitler, ang swastika ay sinusuot! Talk about stupidity and ignorance. Safe sigurong sabihin na anti-establishment sila in general (may mga tribo naman na vegetarian, environmentalists etc). Bihirang-bihira na ang ganyang mga Punks ngayon. Siguro nga extinct na.

Kaya miss na miss ko na si Kuya Jon-Jon. Ngalang sa dinami dami ng natututnan ko sa kanya at natututnan nya, ang Punk's not Dead pa ang hindi nya inaplay. Patay na sya noong August 2001 pa. I really miss him. Siguro matutuwa siya sa akin kung buhay pa sya. Although hindi ako naging full-fledged punk or anarchist o hindi nag mohawk o nanigarilyo, im close to what he wanted me to be. Maging isang tunay na tao at matutong magpakatao.

Thursday, April 28, 2005

Magbayad ng Maaga, Nang Hindi Maabala.

Below are the news articles that caught my attention.
(Sa corporate media kasi marami ang hindi news- worthy. To define the word or to comment on the practice of mainstream media, ito ang mga articles, features, etc. na wala silbi sa pang-araw-araw na buhay. News like "lumabas ang isang kastahan video ni ganire", " Sinagot na ni ganoon at si ganito", "nagkaregla na si child star at nagpatule na din si isa pa" at marami pang balitang kumakain ng precious airtime at space sa tv, radio, and print media na pawang walang mga kwenta. For Profit, in short. Leche!)

Thousands protest against Gaza withdrawal plan
Rights group: Abu Ghraib abuses 'tip of iceberg'
Iraqi MP killed, no government announced

+++++++++++++++++++++++++++++

This is my fourth night in my new shift. Grabe, banggag na ako sa puyat. Thank God (ehem), mayroong isang Van na tumatanaw ng utang na loob. Hindi ko kailangang bunuuin ang 3-5 months ng graveyard shift. 1 araw (or gabi) na lang balik AM na ako. She's just returning the favor. Last rotation, im on that same level of stupidity. Sana lang wag na syang humingi ng kapalit gaya ng ginawa ko. Pearl Jam Live at the Garden VCD ang hiningi kong kapalit sa shift na gusto nya.

Hindi na talaga ako sanay sa puyatan. Im not sure if that is a good news. But for sure being a Weekly Top Fax Performer for April 17-23 is a good one. This, after being second to the last fax performer (Ms. Thea being the first and unbeatable) for the past month. Nahiya na nga ako sa favorite Sup ko. Parati akong pasaway at alagain sa kanya. Feeling ko bata ako. Bata pa ba ang 19 yrs old? Honestly, malaki ang epekto sa akin nito kahit isa akong paway na nilalang (sa mata ng kapitalista). It boosted my morale somehow.

Ive learned that a teamate of mine was terminated for cussing a customer. NO COMMENT ako dito. But Rex nasaan ka man goodluck sa buhay-buhay.

Magbayad ng maaga, nang hindi maabala.

Wednesday, April 27, 2005

Thea's Request

Last week, may nagsabing mag-post naman daw ako ng tungkol sa buhay ko o personal experiences churva-churvasa aking blog. Syempre nagulat ako dahil may nagbabasa pala ng aking walang-kwentang blog. Ang initial reaction ko ay baket kaya? Nakakatamad bang pag-usapan o pag-isipan ang mga nagaganap sa ating bayan?Ang paniniwala ko, ang politika, ekonomya, kultura, atbp usapin sa lipunan ay bahagi ng tao.Social animal ang tao hindi ba? Kaya whatever i do, be it big or small, affects society and vice versa.

But during my restdays, i realized that that lady was right (bwisit talaga imbis na magagandang nilalang ang iniisip ko sa araw ng pahinga ay eto pa!). I should sometimes post personal stories or events. (Kunwa-kunwari na lang na matagal na ang blog ko at maraming akong mambabasa.) Kaya lang, knowing Thea, malamang pag chismisan ako nito at gumagawang kung anek-anek na istorya. Baka minsan pagpasok sa concentration camp (aka office)ay nagsasama na kami sa isang mansion sa Never-never land. Geeeeez! of all the places, Never-never land pa.(hahaha)Joke lang ho!!!) Dahil nililibre ako sa taxi papasok sa office, binibigyan ako ng pagkain, my discount ako sa mgapinagbebenta nya at PARA MATIGILAN NA, eto na ang request.

April 21, Thursday ay 8th anniv. namin ng aking labidabiduds. Im not a romantic person. For me, my handsome face and my sexy body are romantic enough. In short nalimutan ko ang "big day". Naalala ko lang ng marecieve ko ang text "nya" habang naglalakad pauwi galing sa opisina ng aking pandak at matabang Ate. After recieving the text, i immediately called her for a "date". Para syempre, kunyari alam ko at my plano ako sa araw na ito. Iwas sabon at banlaw (fyi, hindi ako takot sa kanya).

The plan: magkita kami sa Mcdo Pasay Rotonda at pumunta ng Quiapo para bumili ng dibidi. That's all.

Knowing that she's not yet ready. I walked (as usual) from Standard Chartered Bldg (ate's office) to Rustans. Sa mall ay nagkita pa kami ni Thea at Llewellyn, (na napakahirap ispellinginng pangalan.) Unfortunately. Buong kaplastikang nakipagbatian sa akin ang dalawa (ilang minuto lang ng huli kaming magkita sa torture den) thinking na hindi ko nakita ang sinilid nilang shades na ibebenta ng nauna sa office. Pagkatapos ng napakasagwang scene ay pumunta ako ng Tower Records. Matagal akong nag-iikot hanggang sa nakita ko ang Joey Ayala CD's, Magkabilaan at Unang Anak (ata) and bought it.Hanggang sa muling maalala ko na may "date" pala ako.

And like the previous 8 years, late na naman ako sa kitaan namin. I love the feeling that even you are late for 3 or four hours, shes still there waiting patient(ly).

My Initial plan is to ride a jeep from Pasay to Quiapo kaya lang walang dumaan na bakante ang upuan sa unahan. (I love sitting beside the driver, lalo na kung nandyan ang aking honey. Gusto kong nagpapalingon-lingon sa mga nadadaanan. Bukod doon Adik na ako sa carbon monoxide.) So LRT ang sinakyan namin, P15 hanggang Carriedo. Malas nga at hindi kami magkatabi. Walang pinagbago ang LRT, siksikan pa rin ang mga pasahero at ang epekto, mainit.

Carriedo Station, Balyahan at tsansingan portion na naman. May mall sa tabi ng nabanggit na LRT Station. Dito ang bagong pugad ng mga ibong humuhuni ng "boss dibidi". To my surprise, konti na lang ang stalls ng mga nagbebenta ng DVD. The last time i was here, about 1 1/2 monthsago ay 3/4 ang sakop nila (DVD sellers) pero ngayon wala pa silang 1/4. Ok naman. May nabili kami agad, Tatlo isandaan. 2 in 1 (Oceans 11 and Oceans 12), Before Sunset, at isang movie ni ni Ben Stiller. Awa ng Dios 1 out of the three DVDs ang panget ang kopya.

Pagkatapos noon, where off to the original piracy hotspot in Manila, Arlegui (of Manoag).Ito ang kalye across Plaza Miranda (o Ayan sa mga gustong pumunta). Papaliko pa lang sa Arlegui ay may napasin na ako, sarado ang stalls at marami ang tao. Nang dumertso pa kami ay pagkadami-dami ng pulis, confirmed nga ang binulong ko kanina kay Honey, may raid. Napurnada ang date namin, Malas! Hindi pa nakisama ang mga pulis patola. At lalong malas, ang pinuntirya ng raid ay ang bilihan ng porn dvd's. Syet! hindi ko pa nabibili ung sex video ni Mahal.
After 10 mins. nang pagiging tsismoso't tsitmosa weve decided to go home at baka magkahagisan ng gradanada't putol na kamay pa ang maipasalubong namin sa bahay.
Dahil wala pang 5:00, Napagdesisyunan namin na dumaan ng Divisoria at bumili ng kabayo. So from Arlegui ay naglakad kami papuntang Recto. Malayo-layo din ito. Nakakatuwang isipin malakas pa rin ang binting pinatibay ng ilang taong lakaran kung saan-saan.

Naglalawa sa pawis ang kilikili ko pagsakay namin ng jeep papuntang Divisoria. Iba na ang ruta ng jeep. Lumiko ito sa kung saang kanto at nagpaikot-ikotsa kung saang iskinita. Siguradong hindi naman kami hoholdapin dahil mukha akong inihaw na basang sisiw na sinawsaw sa sukang may bawang sibuyas at paminta (yummy!) na may kasamang garnish na sosyalin. Marami nang nagsulputan na mall dito pero ang Tutuban Mall ang malapit sa puso ko. Bukod sa ito ang pinaglalakwatsahan namin kapag galing sa classmate nya nung first year na malapit sa Pier ay nasa tapat nito ang rebulto ng idol ko si Gat Andres Bonifacio.

Ligtas kaming nakarating sa Tutuban. Dito nagpasweet-sweet kami. Bihirang mangyari ito (Dahil hindi nga ako sweet), kaya Iniinis ko nga sya nang iniinis by saying " Yes!Happy Anniversary!".
After two hours, umuwi na kami. Gusto ko sanang mag-train kami by going to Sta. Mesa kaya lang ang last trip ay 6:00 pm. Nag jeep kami papuntang Pasay. Pagkatapos nun wala ng interesanteng naganap. Pollution, Traffic, Palakasan ng Busina. Ngayon kung gusto ni Thea na pag-usapan pa ito ay tumawag ka na lang sa MMDA.

Basta ako (o kami ni Honey), raos na naman ang isang taon. My only wish is that my proletarian orientation will still be strong so as not to fall to temptations which are very common in a semi-feudal semi-colonial society.

Tuesday, April 26, 2005

Isolate my ass!

Isolated case daw ang dahilan ng pagkamatay ng anak ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos ayon sa DOH. Sino ang ginago nila? Ecoli bacteria ang pumatay sa teenagerna Abalos, na ayon din sa kanila nacommon lang ang nasabing bacteria sa mgakarne o gulay na kontaminado o di masyadong naluto at maruming tubig. Anghindi pagsunod sa advice ng Parokya ni Edgar(maghuhugas ng kamay pagkatapos mong tumae) ay isang dahilan din.

In our beloved country, majority of the people doesnt have access to clean and potable water. Marami rin ang walang CR. Gamit ang lumang jaryo at plastic, ito ang nagiging toilet bowl at tisyu at ang buong kalikasan ang pozo negro. AS the cliche goes, sa panahon ngayon, mahirap ang buhay dahil MAHAL ang mabuhay. Mas madali pero magastos din ang mamatay. Mahal ang lahat ng bagay para mabuhay (let alone a decent life)-- mahal ang pagkain, ang LPG para lutuin ito, ang gasolina, transportasyon, kuryente, tubig, damit atbp. Salamat sa capitalist society, pati pagmamahal ay for sale.

Isolated, and yet common ang deadly bacteria. Tangna.

Kung hindi lang anak ng isang mayor at kilalang pamilya ang kawawang namatay ay siguradong hindi ma-memedia yan at natural hindi malalaman ng sambayanan ang tungkol sa bacteriang ito.

Ilan na nga bang bata ang namatay(o namamatay araw-araw) dahil sa simpleng diarrhea na kung meron lang maayos at malinis na water system ay maiiwasan ito? Ilan ang namamatay araw-arawsa malnutrition? sa tigdas? sa tb? o miscarriage? Marami. Marami ang namamatay araw-araw dahil sa kakulangan/kawalan ng malinis na tubig, gamot at pagkain na dapatbinibigay ng Gubyerno. Marami ang namamatay araw-araw pero istadistika lang ang kanilang buhay sa estado. Simpleng numerong tinatala para "opisyal" na masukat ang kahirapan. Opisyal na stadistika upang gamiting tsapa upang humingi ng limos sa mga international funding agencies at iba pang "mapagkawang-gawang organisasyon. Malaking PUTANG-INA.

Hindi Ecoli, salmonela o kung anumang bacteria ang pumapatay sa maraming Pilipino kundi bacteria ng kahirapan. Baktiryang mula sa nabubulok na lipunang pilit sinasalaksak sa ating lalamunan. Lipunang pinaghaharian ng pinakamaruruming uri ng mga tao.

Thursday, April 21, 2005

Tang na!

Tang naaaaaaaaaaaaaaaaa, nabura ang entry for the day!!!. syet!
sory my make believe readers no post for this day. Inedit ako ng gagong editor, Si katangahan.

Saturday, April 16, 2005

Sakay Muna, Bago Baba

This is it! I have finally gathered enough courage, "materials" and hopefully, the time to maintain this online journal or diary or what ever you want to call it. Parang masakit sa tainga ang "Blog" e. Parang english ko, barok. The word reminds me of my grades in college blogsak! Siguro mas maganda kung journal, sosyal ( ehem! ) ang dating.

Syempre sa mga maiden issues at controversially named thingies kagaya ng journal na ito, ang nakatatamad na tanong ay bakit ito ang napiling ipangalan. At syempre ang nakatatamad na tanong deserves a nakatatamad na sagot, wala lang.

Pero kung ganyan at ganyanan din lang mag-inuman na lang tayo diba? Wala ding patutunguhan ang usapan. O nag feeling-feelingan lang ako na may nagbabasa ng blog ko?

Bukod sa napaka profound na sagot na"wala lang", meron pang ibang dahilan.

Laman na ako ng PUV's simula pagkabata ko. Kasama ang aking lakwatserang ina , madalas kaming pumunta ng Plaza Fair (Wala pang Megamol o Robinson's Galleria noon) sa Makati para manood ng Inday, Inday sa Balitaw, Bb. Tsuperman, Captain Barbel atbp pelikula nila Roderick Paulate, Edu Manzano at Maricel Soriano. Salamat sa Dios normal pa naman ako.

Meron kaming sariling sasakyan pero dahil lakwatsero din ang aking ama, madalas wala siya sa bahay. Given the time, maybe he will create his own journal about the advantages of having private vehicles. Damn!

PUV's are Jeeps, Buses, Trains (MRT, LRT, PNR), Trolleys, Pedicabs, and Ferries. Nasakyan ko na lahat ang mga ito. But like most of the 99% of the Filipino's, i use the jeep and bus on a daily basis. But when im going to Manila(from south) the cheapest would be the PNR Train but let's not talk about the travel time and the cleanliness. Bihira ang taxi dahil sa mahal nito, same goes with the aircon buses. I love riding pedicabs and trolleys, dahil malapit na ito sa community na uuwian mo, relatively fresher ang air as opposed to in the highways or service roads.

What happened to the 1% you may ask? They are the rich people that never experienced riding on a crowded, hot, rusty PUV. They're loss! They never experienced the thrill of kissing someone's armpit, shoving someone else's face, "accidentally" touching womens breasts (not that ive done that) just to get a ride. And after the chaos, the shoving, the pushing, whether your wearing long-sleeves or t-shirts, slocks or puruntong, whether your holding a high-end phone or a carpenters toolbox, all are equal, all are common, all smell.

Well, it's not totally correct if im going to say that its the rich people's loss if they didnt experience riding on a PUV. But answering that will spoil the fun. hehehe. Watch out for my next post(assuming that someone reads this trash. I assume too much!), maybe 10 years from now.

Sa ngayon, Sakay lang muna, Bago baba.
 
Clicky Web Analytics