
Syempre, kapag idol mo rockstars, you imitate them, wear what they wear and do what they do. Aside from learning music, you learn to pierce your ears, tatoo your skin, dress and talk dirty, do booze, smoke and drugs. Na mahirap para sa akin dahil sa maniwala ka o sa hindi, conservative at religious ang mga magulang ko. Virgin pa ang tenga ko, makinis ang balat sa tato, although nakatikim na ako ng mj, S at yosi, fortunately hindi ako nalulon(just tried it out of curiosity). Maagang ipinaalam ng Papa ko ang masamang dulot ng yosi sa katawan. Kapag nahuli ka, bugbog sarado, definitely bad for your health!
Ang nagaya ko lang sa "buhay rockstar" ay ang magsuot ng basahan, wasakin ang mga branded clothes(na mangilan-ngilan lang hehehe) at tumugtog.
Bata pa ako noon, maraming open doors, maraming possibilities. You have the option to go left, right, right-left, left-right, straight, sit, roll over, play dead, bark! (hehehe parang aso.Damn! bakit ganito ang mga pinagsasabi ko? Parang napaka tanda ko na o parang mamamtay na ako!)
Ilang taon lang naman ang lumipas. Im still young. Just turning 25. Tangna aga dumating ng mid life crisis sa akin ah!
Feeling ko si Twoface ako. Split personality. Ang hirap.
I guess hindi lang ang mga nabanggit ang nagaya ko sa mga bwisit na rockstars na yan. Pati ata pagkasira ng ulo. I hope hindi na bumalik ang suicidal tendencies ko.
I hate Emo Punk. Tangna! Iba talaga ang tawag ng market, kailangang mag-ibento nang mag-imbento ng genre para kumita. Sorry sa mga nag-iidol sa Simple Plan at iba pang kagayang banda. WALANG EMOTIONAL PUNK NA GENRE. Walang bang emosyon ang punk rock ng Ramones o ng Clash o ng Sex pistols? e kahit nga kanta ni April Boy regino ay may emosyon e.
Sorry mukhang off topic na ako. Buti na lang may Postmodern theory na magtatanggol sa akin, I hope.
No comments:
Post a Comment