Friday, August 12, 2005

Hapi Bertdi to Me.

'=Nasanay na akong walang handa tuwing ng Hapi Berdi ko. Aug. 9, alanganin sa sweldo. Tangna! Hindi ko nga maalala kung kailan naghanda ang nanay at tatay ko para sa akin e. Meron pala, naghanda sila ng palusot. Dahil 3 kaming magkakapatid ang may berdi twing Agosto ay isa lang ang handa para tipid.

Madalas ay sa labas na lang kami kakain. Dalawa lang kami ni Mama para MAS tipid, syet. At para PINAKAMATIPID, sa isang karenderya sa loob ng Libertad (p)Wet Market kami kakain ng palabok, tangna talaga! Nakakaiyak dahil ang daming bumabati ng Habi Berdi, yung mga langaw at bangaw! Teynk you sa bati ha, tara magsalo tayo sa palabok, wag nyo lang iiputan! Bwiseet!

Nag leave ako sa araw ng Berdi ko para hindi nila malaman at para iwas gastos . Kaya lang nung nag OTRD ako(the day after my bday) for some reason, nalaman ng mga katrabaho ko na berdi ko. Siyet! katakot-takot na katyaw na pinamunuan ni Sup Franchie. Hapi Berdi talaga! Sori dahil sanay na ako na wlang handa kaya masanay na din kayo na walang kainin twing Aug. 9. hehehe.

Hindi din naman talaga iwas gastos dahil nagkaroon kami ng "sesyon" ng Kilometer64 (Kapi, naktulong ba ang baryang binigay ko?). Binagabag din ako ng isang anonymous texter. TInatanong nya kung mayroon bang Dios. Ipagdasal ko daw sya kung naniniwala man ako. Ang sumunod na text ay nagsasaad na huwag nang magreply o tumawag, ipaabot ko na rin daw ito kay Spin. Syempre todo taranta ang may hapi-Bday. Nag email kaagad ako sa KM64 para itanong kung kaninong number ito. Isang broken-hearted Rustum Casia pala ang nagtetext (na kagagaling lang din sa sakit).

So kahit wala sa schudule ay napapunta ako ng Maynila para hanapin ang pamamahay ni Rustum Casia. Isang Mercury Drug daw sa Craig St. at isang sari-sari store matapos maglakad ng isang kanto ang palatandaan .

Mula Lacson St.,(na binabaan ko mula sa PVP Bus, Ayala-Quiapo Route)
binagtas ang kahabaan ng Espana para hanapin ang messenger ng mga dios. Umabot ako ng Quiapo nang walang nakitang Mercury drug. Naglalawa na naman ang kilikili ko.

Naisip kong dumaan ng Raon para tumingin ng Electric Guitar at syempre dereche ng Arlegui para sa DVD. Educatioanl DVD's ang nabili ko. Isang Animal Cartoon Collection kasama ang Chicken Run, Antz at A Bugs Life, awa ng dios Chicken Run lang ang gumana. Maganda pa naman ang story ng Antz and Abugs Life dahil sa unity ng mga insekto para talunin ang common enemy.

'= Maganda din pala ang Chicken Run, kwento ng mga inahen na manok na nangangarap ng magandang buhay, hiwalay sa itlog-tumuka-katayin-kapag-hindi-na-mangitlog na buhay. Parang buhay ng isang empleyado sa Ayala o manggagawa sa pabrika. Buti pa nga yung mga manok organisado at hindi nagpauto sa mga "may-ari" o "nagpapakain" sa kanila. Mahusay ding pinakita dito lakas ng pagkakaisa. Super two thumbs upa ako.

At ang isa namang DVD ay isang hayup(!) at ma-animal na collection, Kama Sutra Collection.

'=Bandang 7:30 nang magtext si Kapi na maghintayan daw kami sa Fudge Cafe para puntahan si Rustum. Kumain muna kami sa isang Karenderya kasama na si Bolix. Na inlove ako sa lugar dahil meron silang Halo-halo Silog(calamares, tapa, chicken, sinangang at itlog), P50 lang!
Sayang lang dahil nakaorder na ako ng Chicksilog. Matapos ang ilang minuto ay dumating na si Alex. Dumiretso na kami sa bahay ni Rustum at sa resto ni Juday.
Mali pala ang lakad ko kanina. Dapat ay papuntang Welcome Rotonda hidni pa- Quiapo. hehehe
At ang Honey ko ay naghintay na naman ng sandaan taon para sa aking pagdating. I love you and Hapi Bertday to me.

10 comments:

Len said...

ei! i don't know if this would make you feel better: my birthday falls on a new year so wala ng celebration, ang handa sa new year handa ko na rin, walang party, walang friends at walang birthday cake! hehe, wala ring kain sa labas. minsan ang sagot ko pag binabati ako ng happy new year ay thank you at pag happy bithday, happy new year...wala ka sa lolo ko...

Len said...

btw, happy birthday uli!

PUV Pasahero said...

hehe. tnx for the comments.
oo nga no mas malas ka pla.
pero at least my putukan!

Anonymous said...

oi, berdey mo pala. di ka man lang nagpasabi. ayan, wala ka tuloy gip mula sa ken... :P

happy many returns po! nawa'y mabisita mo lahat ng karinderya sa buong mundo!!! ingat po lagi

s_ako :)

PUV Pasahero said...

hehehe. tumatanggap po ako ng late gifts. sige babalitaan kita sa mga ok na karinderya sa maynila.

Anonymous said...

belated happy birthday! natawa ako sa post mo lalo na yung part sa dvd .."awa ng diyos, chicken run lang yung gumana" ..di naman siguro mainit ulo ni "honey" pag-uwi mo kasi nanood ka na ng educational na dvd ng kamasutra...di ko na lang dudugtungan kung ano nangyari ng gabing yun...umuulan ba? :p

PUV Pasahero said...

hehehe. kailangan wholesome e. pero wats the use of "education" if ur not applying it.

shaui said...

oy manok! huwag ka masyado madrama, belated happy birthday. Utang mo ha!

Anonymous said...

pareho tayo ng bertdey, gitna ng etween suweldo. wal din kaming handa kasi besides madami kami eh walang pera, yung kapatid ko lang na 14 and bertdey ang plaging may handa eh. huhuhu! so i know how you feel.
sorry for not greeting you on time kasi i kinda forgot. kilala moko makakalimutin na po, sorry!

Aggie said...

Marc, happy birthday, belated pero happy pa din ang bati :P Mali ung lakad mo kung sa Craig un..dapat papuntang Rotonda (Manilena ako)...ang ganda naman ng Misis mo, kaso na-aawa ako, bulag pala...hahahah! PIS TYO!

 
Clicky Web Analytics