I miss my Kuya Jon-Jon. He taught me alot about life and how to survive. How to blend with common people. Pandak, mataba at maliit sya, ako naman ay matangakad, matipuno at maputi (compared to him). Kaya madali sa kanya ang magblend sa common tao.
Siya ay isang punkista. Siya ang nag-introduce sa akin sa hardcore, alternative and/or underground music. Early 90's, panahon ng pagputok ng Pinoy Rock/Punk Scene, underground at mainstream, kasabay din ito ng malawakang kilusang masa, diskontento sa rehimeng Aquino at sa pagpapatalsik sa US Bases. Philippine Violators, The Wuds, Bayang Barrios, Advent Call, Snakebite Religion, Dead Ends, Sex Pistols, Ramones and other underground bands na karamihan ay dumiretso under the ground at hindi na umabot sa bagong milenyo (sadly). Ang puntahan ng kabataan noon ay hindi mall at motel kundi mga open fields para manood ng konsyerto. Amoranto, Rizal Stadium atbp. Sumikat din ang mga clubs like Clubb Dredd, 70's Bistro at Mayrics.
Isa sa mga "ge(r)ms" na nakuha ko sa kanya ay ang pag-123 o hindi pagbayad sa jeep na noon ay 2.50 pa lang! Kung iniisip nyo (ayan, "nyo" na! marami nang nagbabasa sa blog ko!) na masama na ito wala pa yan. Hihingi pa kami ng sukli! Tipong mga dialogue na "Manong, yung sukli po sa P50, pababa na ho kami"! Pakshet! Tangna! Bwakanang ina! Lahat yata ng mura ay nabanggit ng virgin kong bibig! (huh?!) nang sabihin nya un while on our way sa isang konsyerto.
Laking gulat ko na nagmamadali naman sa pagbigay ng "sukli" ang pobreng driver na para bang gusto pang mag-sorry.
Ang ganda ng ngiti ng gago kong Kuya habang bumababa sa dyip.
Hindi pa rin dyan nagtatapos ang kanyang talino. Kung mahuli sa ganitong modus operandi, ay dapat daw na maiwan ako sa dyip habang sya ay tatakbo at pahahabulin ang driver. Habang hinahabol sya ay kuhanin ko daw ang kaha ng driver. Ganun kagaling ang pagiisip nya. Karapat-dapat na idolin.
Matindi ang mga Punkista noon hindi gaya ngayon na panay posers at pormahan lang, mga walang kwenta. Noon hindi sila bumibili ng damit, gumagawa sila out of garbage at pipintahan ng kung ano-anong subersibong salita. Ang mga naka-mohawk at spiked hair ay hindi ginagamitan ng gel, walang pang Gatsby noon, pintura at egg white ang gamit. Mas matagal ang epekto at may libreng solvent pa (kaya nga ganon ang mag-iisip).
Sa mga major concerts, hindi uso ang pumunta sa ticket booths, ang uso ay mag-gate crash. Bon Jovi at Pearl Jam concerts lang naman ang na-gatecrash nya. Habang ang pa-burges naming mga barkada na gustong-gusto ang PJ ay tameme sa labas.
Kahit mataba at maliit, siguradong hindi aatras sa suntukan ang Kuya ko. Hindi ko nga alam kung saan nya kinukuha ang lakas ng loob. Pero sabi ng Mama ko ay pinaglihi sa nuno sa punso, ung dwendeng itim, kaya nga daw negro. Handa syang makipagsuntukan kahit malaki pero matalino ding aatras kung madami at malalaki ang katawan.
Kaya malapit sa puso ko ang mga Punkista. Ang kuya ko ay nagturo sa akin maging jologs, wag maging maselan, wag maging maarte. Maging hunyango, palos, at tubig. Ang punks noon ay mas malapit sa ideolohiyang Anarchism hindi nga gaya ngayon na porma porma lang at mga tanga pa. Kung tatanungin tungkol halimbawa bakit ganyan ang porma mo o kung ano ang gusto mong lipunan ay kamot ulo lang ang sagot. Biruin mong pati simbolo ng mga gagong Nazi ni Hitler, ang swastika ay sinusuot! Talk about stupidity and ignorance. Safe sigurong sabihin na anti-establishment sila in general (may mga tribo naman na vegetarian, environmentalists etc). Bihirang-bihira na ang ganyang mga Punks ngayon. Siguro nga extinct na.
Kaya miss na miss ko na si Kuya Jon-Jon. Ngalang sa dinami dami ng natututnan ko sa kanya at natututnan nya, ang Punk's not Dead pa ang hindi nya inaplay. Patay na sya noong August 2001 pa. I really miss him. Siguro matutuwa siya sa akin kung buhay pa sya. Although hindi ako naging full-fledged punk or anarchist o hindi nag mohawk o nanigarilyo, im close to what he wanted me to be. Maging isang tunay na tao at matutong magpakatao.
Monday, May 02, 2005
Subscribe to:
Posts (Atom)