Wednesday, April 27, 2005

Thea's Request

Last week, may nagsabing mag-post naman daw ako ng tungkol sa buhay ko o personal experiences churva-churvasa aking blog. Syempre nagulat ako dahil may nagbabasa pala ng aking walang-kwentang blog. Ang initial reaction ko ay baket kaya? Nakakatamad bang pag-usapan o pag-isipan ang mga nagaganap sa ating bayan?Ang paniniwala ko, ang politika, ekonomya, kultura, atbp usapin sa lipunan ay bahagi ng tao.Social animal ang tao hindi ba? Kaya whatever i do, be it big or small, affects society and vice versa.

But during my restdays, i realized that that lady was right (bwisit talaga imbis na magagandang nilalang ang iniisip ko sa araw ng pahinga ay eto pa!). I should sometimes post personal stories or events. (Kunwa-kunwari na lang na matagal na ang blog ko at maraming akong mambabasa.) Kaya lang, knowing Thea, malamang pag chismisan ako nito at gumagawang kung anek-anek na istorya. Baka minsan pagpasok sa concentration camp (aka office)ay nagsasama na kami sa isang mansion sa Never-never land. Geeeeez! of all the places, Never-never land pa.(hahaha)Joke lang ho!!!) Dahil nililibre ako sa taxi papasok sa office, binibigyan ako ng pagkain, my discount ako sa mgapinagbebenta nya at PARA MATIGILAN NA, eto na ang request.

April 21, Thursday ay 8th anniv. namin ng aking labidabiduds. Im not a romantic person. For me, my handsome face and my sexy body are romantic enough. In short nalimutan ko ang "big day". Naalala ko lang ng marecieve ko ang text "nya" habang naglalakad pauwi galing sa opisina ng aking pandak at matabang Ate. After recieving the text, i immediately called her for a "date". Para syempre, kunyari alam ko at my plano ako sa araw na ito. Iwas sabon at banlaw (fyi, hindi ako takot sa kanya).

The plan: magkita kami sa Mcdo Pasay Rotonda at pumunta ng Quiapo para bumili ng dibidi. That's all.

Knowing that she's not yet ready. I walked (as usual) from Standard Chartered Bldg (ate's office) to Rustans. Sa mall ay nagkita pa kami ni Thea at Llewellyn, (na napakahirap ispellinginng pangalan.) Unfortunately. Buong kaplastikang nakipagbatian sa akin ang dalawa (ilang minuto lang ng huli kaming magkita sa torture den) thinking na hindi ko nakita ang sinilid nilang shades na ibebenta ng nauna sa office. Pagkatapos ng napakasagwang scene ay pumunta ako ng Tower Records. Matagal akong nag-iikot hanggang sa nakita ko ang Joey Ayala CD's, Magkabilaan at Unang Anak (ata) and bought it.Hanggang sa muling maalala ko na may "date" pala ako.

And like the previous 8 years, late na naman ako sa kitaan namin. I love the feeling that even you are late for 3 or four hours, shes still there waiting patient(ly).

My Initial plan is to ride a jeep from Pasay to Quiapo kaya lang walang dumaan na bakante ang upuan sa unahan. (I love sitting beside the driver, lalo na kung nandyan ang aking honey. Gusto kong nagpapalingon-lingon sa mga nadadaanan. Bukod doon Adik na ako sa carbon monoxide.) So LRT ang sinakyan namin, P15 hanggang Carriedo. Malas nga at hindi kami magkatabi. Walang pinagbago ang LRT, siksikan pa rin ang mga pasahero at ang epekto, mainit.

Carriedo Station, Balyahan at tsansingan portion na naman. May mall sa tabi ng nabanggit na LRT Station. Dito ang bagong pugad ng mga ibong humuhuni ng "boss dibidi". To my surprise, konti na lang ang stalls ng mga nagbebenta ng DVD. The last time i was here, about 1 1/2 monthsago ay 3/4 ang sakop nila (DVD sellers) pero ngayon wala pa silang 1/4. Ok naman. May nabili kami agad, Tatlo isandaan. 2 in 1 (Oceans 11 and Oceans 12), Before Sunset, at isang movie ni ni Ben Stiller. Awa ng Dios 1 out of the three DVDs ang panget ang kopya.

Pagkatapos noon, where off to the original piracy hotspot in Manila, Arlegui (of Manoag).Ito ang kalye across Plaza Miranda (o Ayan sa mga gustong pumunta). Papaliko pa lang sa Arlegui ay may napasin na ako, sarado ang stalls at marami ang tao. Nang dumertso pa kami ay pagkadami-dami ng pulis, confirmed nga ang binulong ko kanina kay Honey, may raid. Napurnada ang date namin, Malas! Hindi pa nakisama ang mga pulis patola. At lalong malas, ang pinuntirya ng raid ay ang bilihan ng porn dvd's. Syet! hindi ko pa nabibili ung sex video ni Mahal.
After 10 mins. nang pagiging tsismoso't tsitmosa weve decided to go home at baka magkahagisan ng gradanada't putol na kamay pa ang maipasalubong namin sa bahay.
Dahil wala pang 5:00, Napagdesisyunan namin na dumaan ng Divisoria at bumili ng kabayo. So from Arlegui ay naglakad kami papuntang Recto. Malayo-layo din ito. Nakakatuwang isipin malakas pa rin ang binting pinatibay ng ilang taong lakaran kung saan-saan.

Naglalawa sa pawis ang kilikili ko pagsakay namin ng jeep papuntang Divisoria. Iba na ang ruta ng jeep. Lumiko ito sa kung saang kanto at nagpaikot-ikotsa kung saang iskinita. Siguradong hindi naman kami hoholdapin dahil mukha akong inihaw na basang sisiw na sinawsaw sa sukang may bawang sibuyas at paminta (yummy!) na may kasamang garnish na sosyalin. Marami nang nagsulputan na mall dito pero ang Tutuban Mall ang malapit sa puso ko. Bukod sa ito ang pinaglalakwatsahan namin kapag galing sa classmate nya nung first year na malapit sa Pier ay nasa tapat nito ang rebulto ng idol ko si Gat Andres Bonifacio.

Ligtas kaming nakarating sa Tutuban. Dito nagpasweet-sweet kami. Bihirang mangyari ito (Dahil hindi nga ako sweet), kaya Iniinis ko nga sya nang iniinis by saying " Yes!Happy Anniversary!".
After two hours, umuwi na kami. Gusto ko sanang mag-train kami by going to Sta. Mesa kaya lang ang last trip ay 6:00 pm. Nag jeep kami papuntang Pasay. Pagkatapos nun wala ng interesanteng naganap. Pollution, Traffic, Palakasan ng Busina. Ngayon kung gusto ni Thea na pag-usapan pa ito ay tumawag ka na lang sa MMDA.

Basta ako (o kami ni Honey), raos na naman ang isang taon. My only wish is that my proletarian orientation will still be strong so as not to fall to temptations which are very common in a semi-feudal semi-colonial society.

3 comments:

Anonymous said...

deng... ang sweet nyo naman.buti na lang at di kayo pinaghahabol ng mga langgam na nagkalat sa mga pinuntahan ninyo. inggit ako. pramis. sana kami din na aking waswit ay ganyan.

pero pero pero, sa ganitong klasing lipunan, kung hanggang ngayon ay still going strong ang iyong proletarian leaning, alleluyah! my bet is you'll (along with your labiduds and all) last till the end of time. hayaan mo, babagsak babagsak ding ang mga kapitalistang pahamak.

Anonymous said...

mark!!
nkakatawa naman. haha.
totoo bang wala ng nagbebenta ng pirated vcd sa quiapo. pabibili pa naman ako sayo..sabihin mo naman sakin kung kelan ka punta dun. =)

Len said...

happy anniversary sa inyo! at dahil extra ako sa kwento mo, eto ang url ko: http://llewellynflores.blogspot.com

 
Clicky Web Analytics