The article below was written by Atty. Remigio Saladero, Jr. and stolen from Pinoy Weekly .
ANG pagiging mapagbiro ay likas sa mga Pilipino. Kahit gaano kaseryoso o kasensitibo ang isang bagay, nagagawa pa ring magpatawa ng mga Pinoy. Ang katangiang pagtawanan ang ating kalagayan at pasayahin ang ating mga sarili, ayon sa mga dalubhasa, ay nakakatulong sa atin upang pagaanin ang bigat ng hirap na dulot ng buhay.
Ngunit may mga pagkakataon na ang pagbibiro ay ginagawa ng mamamayan hindi lamang upang pasayahin ang kanilang mga sarili kundi, upang ilabas ang kanilang pagkamuhi o pagkainis sa isang tao o situwasyon. Nangyari ito noong panahon ng diktadurang Marcos. Naglipana noon ang mga Marcos jokes. Nangyari din ito ng panahon ni Pang. Erap. Inulan din tayo noon ng Erap jokes. At ngayon ay umiikot na rin ang mga Gloria jokes.
Napabagsak ng People Power si Marcos. Napabagsak din ng People Power si Erap. Mapababagsak din kaya ng People Power si Pang. Gloria ? Ang lakas ng kilusang masa ang magpapasya nito. Ngunit batay sa mga Gloria jokes na naglipana, mukhang suklam na suklam na sa kanya ang mamamayan. Halina at tunghayan natin ang ilan sa mga Gloria jokes na ito :
* * *
Lumubog daw ang barkong sinasakyan nina Pang. GMA. Mabuti na lamang at may isang binatang magaling lumangoy. Naisalba nito si Pang. GMA.
Tuwang-tuwa si Pang. GMA sa binata. “Anong regalo ang gusto mo mula sa akin ?,” tanong niya rito.
“Gusto ko po ng wheelchair”, sagot ng binata.
“Bakit wheelchair?” sabi ni Pang. GMA. “Hindi ka naman lumpo?”
“’Yun na nga po,” sabi ng binata. “’Pag nalaman kasi ng tatay ko na niligtas ko kayo, tiyak na lulumpuhin ako noon!”
* * *
Pumunta si Pang. GMA sa isang pari. Ang sabi ni Pang. GMA, “Padre, mangungumpisal po ako.
“Nagsinungaling ako sa mamamayang Pilipino.” Sumagot ang pari, “Sige, magsimba ka sa susunod na Linggo. Basahin mo ang Mathew, Chapter 17 sa bibliya at iyon ang tatalakayin ko sa aking sermon.”
Pagdating ng Linggo, nagsimba nga si Pang. GMA. Nagtanong ang pari, “Ang sermon ko ngayon ay tungkol sa mga sinungaling. Sino sa inyo ang nakapagbasa ng Mathew, Chapter 17 ?”
“Ako!” sagot ni Pang. GMA. Sumagot ang pari, “Kayo ang klase ng taong gusto kong pag-usapan. Walang Matthew, Chapter 17 sa Bibliya. Tuloy ang sermon ko tungkol sa mga sinungaling.”
* * *
Pumunta kay Nostradamus ang mga pinuno ng mga Third World countries upang tingnan kung ano ang mangyayari sa kanilang mga bansa sa ilalim ng kanilang pamumuno.
Unang nagtanong ang pangulo ng Myanmar. “Mahal na propeta,” sabi niya. “Ano ang mangyayari sa aming bansa sa ilalim ng aking pamumuno?”
Tiningnan ni Nostradamus ang kanyang bolang kristal at ipinakita sa pangulo ng Myanmar. Hinimatay ang pangulo ng Myanmar sa kanyang nakita.
Sumunod naman ng pangulo ng Laos: “Ano ang mangyayari sa aming bansa kapag tinapos ko ang aking panunungkulan?” tanong niya. Tiningnan ni Nostradamus ang kanyang bolang kristal. Nang makita ito ng pangulo ng Laos, bigla itong hinimatay.
Sumunod naman si Pang. GMA. “Ano po ang mangyayari sa Pilipinas kapag ipinagpatuloy ko ang aking panunungkulan?” tanong niya kay Nostradamus. Tiningnan ni Nostradamus ang kanyang bolang kristal.
Bigla na lang hinimatay si Nostradamus.
* * *
Ini-interview ang mga pro-GMA na nagra-rally sa Quezon City Welcome Rotonda.
Announcer: Hinakot ba kayo rito?
Ralyista: Hindi po!
Announcer: Tinakot ba kayo?
Ralyista: Hindi po!
Announcer: Binayaran ba kayo?
Ralyista: Hindi pa po!
* * *
Medical Bulletin: Bumagsak daw sa medical examination si Pang. GMA, sabi ng doktor sa MalacaƱang. Nadiskubre daw kasi ng doktor na “There is nothing Left on the Right side of her brain and there is nothing Right on the Left side of her brain, either.”
* * *
Sakay daw ng eroplano si Pang. GMA at si Comm. Garcillano. Natanaw nila ang isang bayan sa Mindanao.
Garcillano: Panalo ka sa bayang ito. Kung maghuhulog ka ng P1 million, tiyak matutuwa ang bayang ito.
Pang. GMA : Bakit P1 million lang. Dapat P5 million ang ihulog natin. Tiyak buong probinsiya ang matutuwa.
Piloto : Tumahimik nga kayo. Kapag kayong dalawa ang inihulog ko rito, tiyak buong Pilipinas ang matutuwa!
* * *
Aba naman Gloria
puno ka ng grasya
Ang yaman ng tao’y sumaiyo na
Bukod kang nandaya sa babaeng lahat
Pinagpala rin
asawamo’t anak
wala nang natira sa
AMEN!
* * *
Similarities between CLINTON and GMA:
Both studied at GEORGETOWN.
Both became PRESIDENTS.
Both got EMBROILED in CONTROVERSIES. One involving his CIGAR and the other, her GARCI
* * *
Ang pagdami ng mga Gloria jokes ay pahiwatig ng patuloy na pagkasuklam ng mga mamamayang Pilipino sa kasalukuyang admi-nistrasyon. Ganunpaman, habang patuloy ang pag-ikot ng nasabing mga biro ay dapat pa nating pag-ibayuhin ang pag-oorganisa at pagkilos upang tuluyan na nating mapatalsik ang pinakamalaking biro sa ating buhay: ang administrasyong Macapagal-Arroyo.
Thursday, July 07, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment