Nabasa ko ang isang news item sa inquirer.net tungkol sa isang batang babae na nagsuicide dahil sa kahirapan. Nagbigti ito sa kanilang bahay dahil sa kawalang pag-asa ng kalagayan ng kanilang pamilya.
Maaring hindi na nga bago ang isyu ng kahirapan, nagsusumigay ito araw-araw sa ating mga pagmumukha. Sa mga bata sa Pasay Rotonda na nagpupunas ng mga sapatos ng mga pasahero sa jeep, sa mga Maria Clara sa Ermita, Quezon Ave at Makati Ave, Sa mamang may malking nagnanaknak na sugat sa binti at namamalimos ng awa sa may Alabang, Sa mag-amang nasa kariton sa tagiliran ng Peoplesupport kahit madaling araw, at batang lalaki na binugbog dahil nahuling pumulot ng 2 pirasong ponkan sa Bicutan Market, Sa matandang pinagmumura ng kundoktor habang bumababa sa Mandtrade dahil nag 123, sa 2 batang babaeng may dalang tambol at magpapaikot ng lata para sa konting barya sa mga pasahero ng bus sa SSH at marami pang mga pinoy na walang mukha at pangalan na lalong ninakwan ng pagkatao dahil sa kahirapan. At ngayon si Marianette Amper, pinatanda ng kahirapan, kinikilala ngayon ng midya, politiko at ng buong bansa dahil pinatay ang sarili dahil sa di na matiis na kagutuman.
Ngunit dahil sa may kaalwanang nadarama (o ilusyon nito) ang ilan sa may "kakayahang" magapi ang kahirapan ay nagsasawalang-bahala.
Nakakabaliw dahil kahanay ng news item na ito ay ang isyu ng suhulan sa Malacanang. Kalahating milyon kada Tongressman habang isa ng bata ay nagpakamatay dahil ni itlog o pancit canton o baka kahit lamesa ng paglalagyan nito ay wala. Isang malaking putang-ina!
Hindi tuloy maaalis sa isip ko kung ang kumitil sa buhay ni Marianette Amper ay sarili nyang mga murang kamay o kagagawan ng isang lipunan -- mga tao at institusyon, kaugalian, interes nito na nagsasawalang-kibo sa mga dinadanas ng ibang kasapi ng lipunan nito. Lipunang salat sa puso at puspos ng utak at sikmura -- utak na mapanlamang at mapagsamantala at sikmurang may kakayahang gawin at ipagpatuloy ang lahat ng kabaliwang ito.
Thursday, November 08, 2007
Saturday, November 03, 2007
Truth is not told, it is realized
Nung PM shift pa ako ay madalas (read: hindi araw-araw) ako manood ng mga pelikula from different movie link sites. http://www.tv-links.co.uk/, http://www.sidereel.com/ at ang pinakapaborito ko http://www.movieforumz.net/. Ang panood ng kung ano-ano mula sa mga sites na ito ang usong-uso sa Forcedesk. Hehehe, pasensya na mga kapwa ko rta's. At eto pa ang isang bomba nagmula ito sa isang QA analyst na syota ng isang RTA. Pareho kong tropang ang mga nabanggit na mga tao. Maraming salamat Percy at Abby.
Habang naghahanap ng pamatay oras noong petiks na gabi ng NOv.2, All Souls Day. Knowing na walang mga asungot sa FD area, sumagi sa isip ko na 2 bagay ang pwede kong gawin sa mga nalalabi kong araw sa PS: A. Ang magpagago at lalong magpakaadik sa tulog B Lalong maging magpakagago at manood na lang ng pelikula C: i update ang lecheng blog na ito.
Napili ko letter B dahil mahaba na ang itinulog ko bago pumasok sa trabaho. Masarap at mahaba ang aking pogi rest dahil wala sa bahay ang aking mag-ina. Kasama ng aking ate sa bahay namin, naghanda sila para dalawin ang anghel ng aming pamilya si Venice Nova or Nice.
Mula sa http://www.movieforumz.com/ nakita ko ang ZEITGEIST, The Movie - Official Release - Full Film under sa category ng Paranormal & Religion under sa Documentaries. Hindi ko agad pinansin despite the fact na maraming entry sa nasabing site. Mahirap kasi ipronounce ung title. Pero kung anong hirap ibigkas ang title nito ay sya namang ganda ng Zeitgeist.
Sa tingin ko ay malaking tulong ito sa mga aktibistang pinoy para lalo pang iugnay ang kahirapan at pagsasamantala sa Imperyalistang US. At idagdag sa mga pag-aaral na nakapaloob Lipunan at Rebolusyong Pilipino ni Amado Guererro.
Hindi ko alam kung sign ito na huwag akong tumuloy sa Singapore pero binuhay ng pelikula ang dugo ng pagiging Atheist at Aktibista ko. Bahala na bagang, Ill try to watch it again, dissect and digest it and try to think and weigh things out.
For now, ill support the film by spreading the word. You can watch this great movie here http://video.google.com/videoplay?docid=5547481422995115331&hl=en
and check their website http://www.zeitgeistmovie.com/

Saturday, July 28, 2007
Blogging for Money
This past few weeks, Ive been contemplating on how to rebuild my blog, what contents, should it be picture/image heavy, should i do simple modifications or overhaul it or scrap it altogether? etc etc. The reason behind all this is headache is simple, money.
Im not sure if this is the way to go. But since i enjoy writing and cursing, might as well make it an incoming generating hobby.
Im not sure if this is the way to go. But since i enjoy writing and cursing, might as well make it an incoming generating hobby.
Monday, July 09, 2007
Hello World! Im back!
Its been eons since i last updated my blog. Again, Im attempting to resurrect my tiny space in the world wide web. Thanks to Jimuel Dancel(aka Jedi, for those tsikot.com and other members of the gazillion websites, forums and portals owned and moderated by the master) for indirectly persuading me to write and blog again. Wish me luck.
This is whats keeping me busy for the last 3 months... NBA 2K7 PS2 platform.
photo taken by my 4 yr old son

Subscribe to:
Posts (Atom)