
Nasanay na akong walang handa tuwing ng Hapi Berdi ko. Aug. 9, alanganin sa sweldo. Tangna! Hindi ko nga maalala kung kailan naghanda ang nanay at tatay ko para sa akin e. Meron pala, naghanda sila ng palusot. Dahil 3 kaming magkakapatid ang may berdi twing Agosto ay isa lang ang handa para tipid.
Madalas ay sa labas na lang kami kakain. Dalawa lang kami ni Mama para MAS tipid, syet. At para PINAKAMATIPID, sa isang karenderya sa loob ng Libertad (p)Wet Market kami kakain ng palabok, tangna talaga! Nakakaiyak dahil ang daming bumabati ng Habi Berdi, yung mga langaw at bangaw! Teynk you sa bati ha, tara magsalo tayo sa palabok, wag nyo lang iiputan! Bwiseet!
Nag leave ako sa araw ng Berdi ko para hindi nila malaman at para iwas gastos . Kaya lang nung nag OTRD ako(the day after my bday) for some reason, nalaman ng mga katrabaho ko na berdi ko. Siyet! katakot-takot na katyaw na pinamunuan ni Sup Franchie. Hapi Berdi talaga! Sori dahil sanay na ako na wlang handa kaya masanay na din kayo na walang kainin twing Aug. 9. hehehe.
Hindi din naman talaga iwas gastos dahil nagkaroon kami ng "sesyon" ng
Kilometer64 (
Kapi, naktulong ba ang baryang binigay ko?). Binagabag din ako ng isang anonymous texter. TInatanong nya kung mayroon bang Dios. Ipagdasal ko daw sya kung naniniwala man ako. Ang sumunod na text ay nagsasaad na huwag nang magreply o tumawag, ipaabot ko na rin daw ito kay Spin. Syempre todo taranta ang may hapi-Bday. Nag email kaagad ako sa KM64 para itanong kung kaninong number ito. Isang broken-hearted
Rustum Casia pala ang nagtetext (na kagagaling lang din sa sakit).
So kahit wala sa schudule ay napapunta ako ng Maynila para hanapin ang pamamahay ni Rustum Casia. Isang Mercury Drug daw sa Craig St. at isang sari-sari store matapos maglakad ng isang kanto ang palatandaan .
Mula Lacson St.,(na binabaan ko mula sa PVP Bus, Ayala-Quiapo Route)
binagtas ang kahabaan ng Espana para hanapin ang messenger ng mga dios. Umabot ako ng Quiapo nang walang nakitang Mercury drug. Naglalawa na naman ang kilikili ko.
Naisip kong dumaan ng Raon para tumingin ng Electric Guitar at syempre dereche ng Arlegui para sa DVD. Educatioanl DVD's ang nabili ko. Isang Animal Cartoon Collection kasama ang Chicken Run, Antz at A Bugs Life, awa ng dios Chicken Run lang ang gumana. Maganda pa naman ang story ng Antz and Abugs Life dahil sa unity ng mga insekto para talunin ang common enemy.

Maganda din pala ang Chicken Run, kwento ng mga inahen na manok na nangangarap ng magandang buhay, hiwalay sa itlog-tumuka-katayin-kapag-hindi-na-mangitlog na buhay. Parang buhay ng isang empleyado sa Ayala o manggagawa sa pabrika. Buti pa nga yung mga manok organisado at hindi nagpauto sa mga "may-ari" o "nagpapakain" sa kanila. Mahusay ding pinakita dito lakas ng pagkakaisa. Super two thumbs upa ako.
At ang isa namang DVD ay isang hayup(!) at ma-animal na collection, Kama Sutra Collection.

Bandang 7:30 nang magtext si Kapi na maghintayan daw kami sa Fudge Cafe para puntahan si Rustum. Kumain muna kami sa isang Karenderya kasama na si
Bolix. Na inlove ako sa lugar dahil meron silang Halo-halo Silog(calamares, tapa, chicken, sinangang at itlog), P50 lang!
Sayang lang dahil nakaorder na ako ng Chicksilog. Matapos ang ilang minuto ay dumating na si
Alex. Dumiretso na kami sa bahay ni Rustum at sa resto ni Juday.
Mali pala ang lakad ko kanina. Dapat ay papuntang Welcome Rotonda hidni pa- Quiapo. hehehe
At ang
Honey ko ay naghintay na naman ng sandaan taon para sa aking pagdating. I love you and Hapi Bertday to me.